28/03/2026
Balambanganoon of Municipality oF Balamban
News Alert
Migrant Workers Protection Bureau
26 March 2026
๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ฒ, ๐ฅ๐๐๐๐ถ๐ฎ๐ป ๐๐ถ๐ฎ๐ป๐ฐรฉ ๐ฎ๐ ๐ฎ ๐๐ผ๐ฑ๐ ๐๐๐ฎ๐ฟ๐ฑ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐๐๐ฎ๐ฑ๐ผ ๐๐ฎ ๐๐น๐น๐ฒ๐ด๐ฎ๐น ๐ฅ๐ฒ๐ฐ๐ฟ๐๐ถ๐๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐๐ฎ๐
๐๐ข๐ด๐ข๐บ ๐๐ช๐ต๐บ, ๐๐ฉ๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฆ๐ด โ Arestado sa entrapment operation na isinagawa ng Department of Migrant Workers, Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group โ Anti-Transnational Crime Unit (โPNP CIDG-ATCU), at CIDG Anti-Organized Crime Unit (โCIDG-AOCU) sa Pasay City kagabi, Marso 25, 2026 ang babaeng recruiter na si Celisti Maxilum, kasama ang kanyang Russian fiancรฉ at ang kanilang dalawang bodyguard matapos mapag-alaman na sangkot ang mga ito sa illegal recruitment.
Nag-ugat ang kanilang pag-aresto sa report ng isang biktima na aniya ay pinangakuan ni Maxilum ng trabaho bilang production worker sa bansang New Zealand at Japan sa loob ng tatlong taong-kontrata kapalit umano ng sahod na halagang Php 100,000. Naniningil din umano si Maxilum ng processing fee na nagkakahalaga ng Php 30,000 hanggang Php 72,500 para sa ipinangako nitong trabaho.
Tinatayang may higit 10 pang ibang reklamo patungkol sa illegal recruitment laban kay Maxilum. Kasalukuyang inihahanda ng mga awtoridad ang pormal na reklamong illegal recruitment laban sa mga naaresto.