13/10/2025
๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ค๐ข๐ญ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐ข๐ซ๐ก๐๐ง ๐ฌ๐ ๐
๐๐ญ๐ข๐ฆ๐ โ ๐๐ง๐ ๐๐๐ค๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฆ๐๐ฅ๐ ๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ
Maagang umalis ng bahay sina Lucia, Francisco, at Jacinta. Inasahan nilang maaantala sila sa daan dahil nag-uumapaw ng mga tao sa mga kalsada. Bumuhos ang malakas na ulan at naulit ang mga pangyayari noong nakaraang buwanโngunit mas marami ng mga tao at lubos na nakakaantig. Kahit na ang maputik na mga daan ay hindi nakapigil sa mga tao na lumuhod upang mapagpakumbaba at magmakaawa para sa kanilang mga panalangin. Narating ng mga Batang Pastol ang holmoak sa Cova da Iria.
Pagdating doon hiniling ni Lucia sa mga tao na isara ang kanilang mga payong at magdasal ng Rosaryo. Maya-maya ay nakita nila ang kislap ng liwanag at nagkita na muli ang Babaeng nararamtan ng liwanag.
Sabi ni Lucia: โAno ang iyong nais mula sa akin?โ
"Nais ko na isang kapilya ang itayo dito sa karangalan ko. Ipagpatuloy ninyo ang pagdarasal ng Rosaryo araw-araw. Malapit nang matapos ang digmaan, at babalik ang mga sundalo sa kanilang mga tahana,โ tugon ng Babae.
Nang tanungin ang ngalan ng Babae, tumugon ito: โAko ang Birhen ng Rosaryo.โ
โMarami akong petisyon mula sa maraming tao,โ wika ni Lucia at tinanong kung tutupdinnang mga ito.
Sumagot ang Birhen nang: โAng ilan ay ipagkakaloob ko, at ang iba ay dapat kong tanggihan. Dapat baguhin ng tao ang kanilang mga buhay at humingi ng tawad sa kanilang mga kasalanan."
Malungkot na sinabi ng Mahal na Birhen:
"Hindi na nila dapat pasakitan pa ang Panginoon, dahil labis na Siyang nasaktan!"
Pagkatapos, ibinuka ng Mahal na Birhen ang kanyang mga kamay at pinaaninag sa araw. Sa kanyang pag-akyat, ang repleksyon ng kanyang sariling liwanag ay patuloy na tumingkad tulad ng araw. Ayon sa mga nakasaksi, lumilitaw ang araw na umiikot-ikot at nagbabago ang kulay bago tila bumulusok papalapit sa mundo. Maraming mga tala ang nagsasabi na ang mga basa at maputik na damit ng mga tao roon ay agarang natuyo matapos ang kanilang mga nasaksihan.
Matapos lumisan ng Babae, nakita ng mga Batang Pastol sa tabi ng araw si San Jose tangan-tangan ang Batang Hesus at ang Mahal na Birhen na nakasuot ng puti na may asul. Ilang sandali pa, nakita nila ang ating Panginoon at Inang Nagdadalamhati. Nagpakita ang ating Panginoon upang pagpalain ang mundo. Kasunod ng aparisyon na ito, nakita nilang muli ang Mahal na Birhen bilang Birhen ng Bundok Carmelo.
Sa ating natatanging pag-aalaala sa mga pagpapakita ng Mahal na Birhen sa Fatima, patuloy nawa tayong tumugon sa kanyang mga hiling. Nawa sa pamamagitan ng kanyang mga pangako sa Fatima ay maging masigasig tayo sa pagdarasal ng Rosaryo araw-araw, pag-aalay ng sakripisyo, at manalig sa himalang patuloy na ipinamamalas ng Diyos sa pamamagitan ng ating Mahal na Ina.
Mahal na Birhen ng Fatima, Daluyan ng Pag-asa at Biyaya, ipanalangin mo kami.
San Francisco at Santa Jacinta Marto ng Fatima, ipanalangin ninyo kami.
Kagalang-galang na Lucia ng Fatima, ipanalangin mo kami.