12/11/2021
Happy Fiesta San Diego de Alcala 🎊🎈😇🙏🏻
Happy 398th Foundation Day Valenzuela City ✌️✌️✌️
🙏🏻
✌️
𝑴𝒂𝒍𝒊𝒈𝒂𝒚𝒂𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒑𝒊𝒔𝒕𝒂𝒉𝒂𝒏 𝒔𝒂 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕!
Nobyembre 12: 𝗗𝗔𝗞𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗜 𝗦𝗔𝗡 𝗗𝗜𝗘𝗚𝗢 𝗗𝗘 𝗔𝗟𝗖𝗔𝗟𝗔 (Puti)
Patron ng Bayan ng Polo at ng Lungsod ng Valenzuela
Si San Diego de Alcala ay anak ng isang mahirap na pamilya na ipinanganak noong taong 1400 sa maliit na bayan ng San Nicolas del Puerto. Binigay sa kanya ang pangalang “Diego” na hinalaw kay Apostol Santiago na Patron ng Espanya. Noong siya ay may sapat nang gulang, siya ay pumasok sa Ordeng Franciscano at naging isang Hermano (Lay Brother). Nakita sa kanyang buhay ang labis na kabanalan. Siya ang tagatanggap o Portero sa kumbento ng mga Franciscano. Bilang portero, si San Diego ang siyang nagbibigay ng pagkain sa mga dukha.
Isang araw, may humihingi sa kanya ng tinapay, kumuha siya ng labis sa kumbento upang maipamahagi sa mga nanghihingi. Ngunit nahuli siya ng kanyang superyor, at siya’y tinanong, “Diego, ano iyang dala mo?” Ipinaisip ng Diyos kay Diego ang ganitong mga salita, “Mga bulaklak po!” at nang buksan ang basket ay hindi nga tinapay ang nakita kundi mga bulaklak. Ito ang dahilan kung bakit may dala siyang basket na bulaklak.
Noong 1450, sa utos ng Bikaryo Heneral, ipinadala si San Diego kasama ng ibang Franciscano sa Roma upang saksihan ang pagdiriwang ng Hubileyo na binuksan ni Papa Nicolas V, kaalinsabay ng Kanonisasyon ni San Bernardino ng Siena, na isa ring Franciscano. Marami sa mga paring dumalo sa seremonya ang nagkasakit dahil sa paglaganap ng epidemya. Dahil dito, nanatili pa si San Diego sa Roma ng tatlong buwan upang sila ay gamutin. Bagama’t isang hermano lamang, siya’y napiling maging superyor ng kumbento sa Islas Kanaryas, at dito’y malaki ang naitulong niya upang palaganapin ang pananampalataya sa mga hindi pa binyagan.
Noong Nobyembre 12, 1463, habang nakaratay dala ng kanyang karamdaman, hiniling niya na isuot muli ang kanyang lumang abito at samantalang siya ay nakatingin sa krus, kanyang pinupuri ang Panginoon sa pagliligtas nito sa sangkatauhan. Matapos niyang gawin iyon ay pumanaw siya. Hindi naagnas ang kanyang katawan at mabangong amoy ang lumalabas dito. Itinanghal bilang santo si San Diego noong Hulyo 1588 ni Papa Sixto V, na isa ring Franciscano
PANALANGIN
Ama naming makapangyarihan,
itinuro mo sa Iyong Sambayanang sundin ang mga utos Mong bigay
sa pag-ibig sa Iyo at sa kapwa tao.
Kaming tumutulad kay San Diego na mapagkawanggawang totoo
ay pagkalooban Mong mapabilang sa mga pinagpala sa kaharian Mo
sa pamamagitan ni HesuKristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Amen. 🙏
• • •
𝐅𝐨𝐫 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐃𝐨𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐨𝐟𝐟𝐞𝐫𝐢𝐧𝐠𝐬, 𝐲𝐨𝐮 𝐦𝐚𝐲 𝐬𝐞𝐧𝐝 𝐢𝐭 𝐨𝐧 𝐨𝐮𝐫 𝐆𝐂𝐚𝐬𝐡 𝐚𝐜𝐜𝐨𝐮𝐧𝐭: 09397137418 𝐨𝐫 𝐁𝐚𝐧𝐤 𝐀𝐜𝐜𝐨𝐮𝐧𝐭: China Bank - RCBM San Diego de Alcala Parish 110700002314
𝐅𝐨𝐫 𝐦𝐨𝐫𝐞 𝐮𝐩𝐝𝐚𝐭𝐞𝐬 𝐟𝐫𝐨𝐦 𝐨𝐮𝐫 𝐏𝐚𝐫𝐢𝐬𝐡 𝐨𝐟 𝐒𝐚𝐧 𝐃𝐢𝐞𝐠𝐨 𝐝𝐞 𝐀𝐥𝐜𝐚𝐥𝐚, 𝐟𝐨𝐥𝐥𝐨𝐰 𝐮𝐬 𝐨𝐧 𝐨𝐮𝐫 𝐟𝐨𝐥𝐥𝐨𝐰𝐢𝐧𝐠 𝐟𝐥𝐚𝐭𝐟𝐨𝐫𝐦𝐬:
𝗙𝗮𝗰𝗲𝗯𝗼𝗼𝗸: https://t.co/4GnEiLnaYK
𝗜𝗻𝘀𝘁𝗮𝗴𝗿𝗮𝗺: https://t.co/8WVSSl1blF
𝗚𝗺𝗮𝗶𝗹: [email protected]