25/04/2020
Hi, mga Ka-Tondo Foodie!! 🤗 Crave na crave ka na ba sa Pares pero extended pa ang ECQ? Worry no more coz Mami Pares House Tondo gotchu fam! 🤙🏼
Surely walang tapon sa mga inorder mo bes, dahil mula sa Beef Pares palang, legit na legit na yung lasa tapos beef talaga! Sobrang lambot pa! Di tulad ng ibang pares na mabibili mo na puro litid at medyo nanlalaban pag kinagat, eto mga bes solid beef laman!! 🤙🏼 Walang umay effect mga swiz! 😋
Sa Kiampong naman, eto yung type ng kiampong na matitikman mo sa mga Chinese Resto eh. Buhaghag na, malalaki pa butil ng bigas tas alam mo quality din ginamit kasi ang amoy nya, amoy ng Kiampong talaga! Unlike sa iba, sobrang trying hard na tipong malalasahan mo eh yun toyo na ginamit nila. Eto nako day, naka-3 kiampong ako!!! 🤪
Sa Chinese Kikiam naman, di sya matigas at di rin sya ganon kalambot. Bet na bet ko din to kasi sa totoo lang madalas ako nakaka-kain ng chinese kikiam lalo na kay Aling Simang sa divisoria pero ang kinaibahan nito, malambot sya! Alam na bakit? Di sya maharina bes! Ang crunchy pa ng sides nya juskwaaaa 🥰😍
Yung Asado tofu? Crunchy on the outside, pero ang lambot sa loob! Perfect partner nya yung sauce saucekupo!!! 🤤🤤
Ano? Nagutom ka ba? Message them mga bessy at swiszy for orders! Pede din magpick-up sa store nila, just waze Mami Pares House. Kung di ka naman makalabas at natatamad sa tindi ng init ng araw, they can deliver for a minimum amount of delivery fee! Di ka na talo day manyurap na mura pa! Open sila daily from 8AM-5PM kaya ano pa inaantay ninyo?? PM nyo na sila! 💕💕
*Sorry di ako ganon kagaling sa pagtake ng photos pero eto yun actual photos of the product*