18/06/2026
Mey Tama si Rendon esteh Tumama din Hehehe...
Rendon Labador, nanawagan ng pang-unawa para kay Ria Vlogs sa gitna ng kontrobersiya sa paggaya ng content
Nagbigay ng kanyang opinyon ang social media personality na si Rendon Labador kaugnay ng isyung kinakaharap ng batang content creator na si Ria Vlogs matapos itong makatanggap ng batikos dahil umano sa paggaya ng content ng fellow creator na si It'sStefano.
Ayon kay Rendon, sa halip na magalit ay dapat pa nga umanong ikatuwa ni Stefano na nagiging inspirasyon ang kanyang mga content sa iba.
βDapat matuwa yung Stefano na ginagaya siya, ibig sabihin maganda ang content niya at ginagawang inspirasyon nung bata. Siguro intindihin nalang natin na ganyan kapag bagong sumisikat pa lang, baka naninibago lang si Stefano, ignorante kumbaga,β ani Rendon.
Dagdag pa niya, normal lamang umano sa mundo ng content creation ang pagkakaroon ng magkakatulad na ideya at estilo.
βKung ayaw mo magaya ka, huwag ka na lang lumabas ng bahay,β pabirong pahayag niya.
Higit sa lahat, binigyang-diin ni Rendon ang kahalagahan ng pagiging maingat sa pagbibigay ng komento lalo na kung bata ang sangkot sa kontrobersiya.
βSiguro mas ma-appreciate natin bilang nakakatanda na manghingi ng pasensya si Step sa bata, kasi kawawa at nababash at baka magkaroon ng masamang epekto. Yung matatanda nga hindi kinakaya yung bashing, lalo na yung bata, βdi ba?β aniya.
Ipinunto rin niya ang kahalagahan ng mental health awareness, lalo na para sa mga influencer na may malaking impluwensya sa kanilang mga tagasubaybay.
βMental health mga bro, hindi biro yan. Maging mas sensitive sa mga comments at feedback lalo influencers tayo at madami nakasubaybay,β dagdag pa niya.
Sa kasalukuyan, patuloy na pinag-uusapan online ang usapin sa pagitan nina It'sStefano at Ria Vlogs, kung saan hati ang opinyon ng netizens tungkol sa isyu ng pangongopya ng content at kung hanggang saan ang hangganan ng inspirasyon sa paggawa ng online content.