07/04/2025
"Tapang Kabayo" - Filipino-style cured and fried horse meat.
Ang cured na karne ng kabayo ay isang tradisyunal na proseso ng pag-iimbak ng karne ng kabayo gamit ang asin, pampalasa, at iba pang mga sangkap upang mapanatili ito at mapa sarap ang lasa. Karaniwan itong pinatuyo at pinapalasa, kaya't nagkakaroon ng mas malalim at mas malasa na flavor. Kilala ito sa Pilipinas bilang isang pulutan. Ang cured horse meat ay may natatanging malasa at medyo makunat na texture, at maaari itong kainin ng diretso o isama sa mga iba pang putahe.