Tarlac Today

Tarlac Today Delivering fresh news and relevant updates, Tarlac Today brings the voice of the community straight to its people.
(1)

Ipinagkaloob ng Department of Labor and Employment (DOLE) Tarlac Field Office ang ₱1.24 milyong livelihood grant sa Loca...
03/08/2026

Ipinagkaloob ng Department of Labor and Employment (DOLE) Tarlac Field Office ang ₱1.24 milyong livelihood grant sa Local Government Unit (LGU) ng San Manuel para sa 118 to***co farmers sa isinagawang turnover ng tseke noong Agosto 3, 2026.

Ayon sa DOLE, ang pondo ay nakalaan upang suportahan ang kabuhayan ng mga benepisyaryong magsasaka at mabigyan sila ng mas napapanatiling pagkakakitaan.

Bahagi ang programa ng direktiba ni DOLE Secretary Francis Tolentino na palawakin ang pagbibigay ng sustainable livelihood assistance sa mga manggagawa sa informal sector.

📷 Source: DOLE Tarlac Field Office

Lumalakas ang panawagan para sa transparency matapos magpahayag ng pagkadismaya ang ilang barangay officials at mga estu...
01/08/2026

Lumalakas ang panawagan para sa transparency matapos magpahayag ng pagkadismaya ang ilang barangay officials at mga estudyante kaugnay ng umano’y pagbabago sa pinal na listahan ng mga benepisyaryo ng Presidential Scholarship at financial assistance program sa lungsod.

Ayon sa ilang apektadong estudyante, nakapagsumite na sila ng mga kinakailangang dokumento at naabisuhang kwalipikado ilang buwan na ang nakalipas. Gayunman, iginiit nilang hindi na lumabas ang kanilang mga pangalan sa pinal na listahan ng mga benepisyaryo.

Maging si Barangay Captain Mark Otep Turla ay nagpahayag ng kanyang saloobin sa social media.

“Ok mu sana kahit di kami papasukin pero yung tinangal pa mga scholar sa list namin, naawa ako sa mga student. Well anyway ganun talaga, pagdasal na lang natin na may pag-asa pang mabago ang sistema.”

Samantala, isang estudyante ang nagsabing umano’y napalitan ang kanilang mga pangalan ng ibang aplikante na hindi kabilang sa naunang listahan.

Sa hiwalay namang pahayag, sinabi ng estudyanteng si Cedrick Mendoza na idinulog nila ang kanilang reklamo kina Mayor Susan Yap at Kagawad Erdy Pineda Ferrer. Aniya, tatlong buwan nilang hinintay ang resulta ng aplikasyon, ngunit ikinagulat umano nila na may mga bagong pangalan na naaprubahan sa loob lamang ng isa hanggang dalawang araw.

Nagpahayag din ng katanungan ang ilang opisyal ng Sangguniang Kabataan, kabilang si John Russel Jacinto ng Barangay Balayang, hinggil sa umano’y kawalan ng malinaw na proseso at pampublikong anunsyo sa pagpili ng mga tatanggap ng ₱20,000 financial assistance.

Dahil dito, nananawagan ang ilang barangay officials, SK leaders, at mga estudyante sa lokal na pamahalaan na magbigay ng malinaw na paliwanag sa naging proseso ng pagpili ng mga benepisyaryo at tugunan ang mga reklamong may kaugnayan sa umano’y pagbabago sa listahan.

Naligtas mula sa tuluyang pagpapatalsik si Tarlac City Mayor Susan Yap-Sulit matapos gamitin ng Korte Suprema ang kanyan...
31/07/2026

Naligtas mula sa tuluyang pagpapatalsik si Tarlac City Mayor Susan Yap-Sulit matapos gamitin ng Korte Suprema ang kanyang track record bilang dating Gobernador ng lalawigan upang ideklarang ganap na eligible o kwalipikado sa pwesto.

Ito ay sa kabila ng pagiging kauna-unahang alkalde ng lungsod na opisyal na idineklarang disqualified ng Commission on Elections (COMELEC) dahil sa usapin ng residency.

Nalampasang Isyu sa Brgy. Tibag
Sa halip na direktang sagutin o linawin kung totoong naninirahan si Yap sa Barangay Tibag, Tarlac City—na siyang naging mitsa ng kanyang disqualification sa COMELEC—dumaan ang Korte Suprema sa isang legal na argumento hinggil sa kanyang nakaraang posisyon sa gobyerno.

Ayon sa SC, hindi maikakaila na tatlong sunod-sunod na termino o siyam na taong nagsilbi si Yap bilang Gobernador ng Tarlac na nakabase sa Tarlac City. Dahil dito, idineklara ng hukuman na hindi siya dayo o newcomer na walang alam sa pangangailangan ng lungsod, kaya't hindi dapat maging hadlang ang residency requirement sa kanyang pag-upo.

Demokrasya vs. Teknikalidad
Binigyang-diin pa ng Mataas na Hukuman na mas dapat igalang ang kagustuhan ng libo-libong botante kaysa sa mga teknikal na rekisito ng batas, maliban na lamang kung ang ineligibility ng kandidato ay hayagang lumalabag sa Saligang Batas.

Sa pinal na utos na ito ng Korte Suprema, napalitan ng legal na proteksyon ang disqualification order laban kay Mayor Susan Yap—bagama't nananatili pa ring nakabitay sa ere ang malaking tanong ng publiko: Totoo nga bang taga-Barangay Tibag ang Punong Lungsod?

Nasa 2,555 estudyante ang dumalo sa orientation ng Presidential Scholars Program na ginanap sa Tarlac City Civic Center ...
31/07/2026

Nasa 2,555 estudyante ang dumalo sa orientation ng Presidential Scholars Program na ginanap sa Tarlac City Civic Center bilang paghahanda sa pagpapatupad ng scholarship program.

Ang programa ay bahagi ng Bawat Barangay Makikinabang initiative ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na naglalayong suportahan ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral at mapalawak ang kanilang pagkakataong makapagtapos sa pamamagitan ng dekalidad na edukasyon.

Sa isinagawang orientation, tinalakay sa mga benepisyaryo ang mga patakaran, benepisyo, at iba pang mahahalagang impormasyon kaugnay ng scholarship program upang maging gabay nila sa kanilang paglahok.

Umabot sa 3,077 residente mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Tarlac ang tumanggap ng tig-10 kilong bigas sa ilali...
31/07/2026

Umabot sa 3,077 residente mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Tarlac ang tumanggap ng tig-10 kilong bigas sa ilalim ng Bawat Bayan Makikinabang program ng pambansang pamahalaan.

Isinagawa ang pamamahagi sa Tarlac Civic Center at pinondohan ito sa ilalim ng reformed Local Government Support Fund (LGSF).

Ayon sa pamahalaan, bahagi ang programa ng pinaigting na food security initiative ng administrasyon upang matiyak na direktang nakararating ang rice assistance sa mga sektor na higit na nangangailangan, sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan.

May kabuuang 163 benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ang sasabak sa m...
30/07/2026

May kabuuang 163 benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ang sasabak sa mas pinalawak na Brigada Eskwela sa iba’t ibang paaralan sa Tarlac matapos magsagawa ng orientation at contract signing ang Department of Labor and Employment (DOLE) Tarlac Field Office.

Noong Hulyo 21, lumagda sa kontrata ang 70 benepisyaryo sa pakikipagtulungan ng DepEd Tarlac City at Public Employment Service Office (PESO) ng Lungsod ng Tarlac, at nagsimula silang magtrabaho noong Hulyo 27.

Samantala, noong Hulyo 28, lumagda rin sa kontrata ang 78 benepisyaryo mula sa mga bayan ng Moncada, Anao, San Manuel, Ramos, Gerona, at Pura sa ilalim ng pakikipagtulungan ng DepEd Tarlac Province. Ang natitirang 15 benepisyaryo mula sa San Clemente at Mayantoc ay nakatakdang lumagda noong Hulyo 29.

Ang mga benepisyaryo ay magsasagawa ng 10 araw na trabaho sa mga piling paaralan bilang suporta sa Brigada Eskwela. Bawat makakakumpleto ng programa ay tatanggap ng ₱6,000 na sahod.

Ayon sa DOLE, layunin ng programa na makapagbigay ng pansamantalang hanapbuhay sa mga disadvantaged workers habang tumutulong sa paghahanda ng mga paaralan para sa pagbubukas ng klase.

📷 Source: DOLE Tarlac Field Office

Capas Mayor Humihiling ng Detalyadong Presentasyon ng Pax Silica Project sa BCDACAPAS, TARLAC — Humiling si Capas Mayor ...
30/07/2026

Capas Mayor Humihiling ng Detalyadong Presentasyon ng Pax Silica Project sa BCDA

CAPAS, TARLAC — Humiling si Capas Mayor Roseller “Boots” Rodriguez sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ng isang komprehensibong presentasyon tungkol sa panukalang Pax Silica Project sa New Clark City bago isagawa ang anumang pampublikong konsultasyon.

Sa liham na ipinadala sa BCDA, sinabi ni Rodriguez na mahalagang maipaliwanag nang malinaw ang mga detalye ng proyekto, lalo na ang mga posibleng epekto nito sa kapaligiran, kalusugan, at kinabukasan ng mga residente ng Capas.

Binigyang-diin din ng alkalde na bagama’t mahalaga ang pag-unlad, kailangan itong isulong nang may sapat na transparency, pananagutan, at bukas na komunikasyon sa publiko.

Iginiit ni Rodriguez na nararapat marinig ang boses ng mga Capaseño at mabigyan sila ng pagkakataong maging bahagi ng mga usapin at desisyong may direktang epekto sa kanilang komunidad.

📷 Source: Mayor Roseller “Boots” Rodriguez

May kabuuang 1,750 “Gamit ni Bulilit” school kits ang ipinamahagi sa pitong public elementary schools sa Tarlac Province...
30/07/2026

May kabuuang 1,750 “Gamit ni Bulilit” school kits ang ipinamahagi sa pitong public elementary schools sa Tarlac Province sa pamamagitan ng programang pinagtulungan ng Department of Education (DepEd) Tarlac at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Isinagawa ang turnover ceremony noong Hulyo 22, kung saan tumanggap ang bawat paaralan ng 250 school kits na ipamamahagi sa mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 3.

Ayon sa DepEd Tarlac, layunin ng programa na masuportahan ang pangangailangan ng mga batang mag-aaral sa kanilang pag-aaral at higit pang mapalakas ang ugnayan ng DepEd at NGCP sa pagsusulong ng dekalidad na edukasyon.

Dinaluhan ang turnover ceremony ng mga opisyal ng DepEd Tarlac at NGCP, habang tinanggap ng mga school heads at property custodians ang mga school kits para sa mga benepisyaryong mag-aaral sa pitong piling pampublikong paaralan sa lalawigan.

📷 Source: DepEd Tayo – Tarlac Province

Nakatanggap ng libreng bigas ang 1,739 na benepisyaryo sa Bayan ng Bamban sa isinagawang rice distribution ngayong Hulyo...
29/07/2026

Nakatanggap ng libreng bigas ang 1,739 na benepisyaryo sa Bayan ng Bamban sa isinagawang rice distribution ngayong Hulyo 29 sa Bamban Municipal Grounds.

Ang pamamahagi ay bahagi ng rice assistance program ng Pambansang Pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na naglalayong palakasin ang food security at makatulong sa mga pamilyang nangangailangan.

Pumasok na sa preliminary investigation ng Office of the Ombudsman ang reklamong inihain laban kay Tarlac 3rd District R...
29/07/2026

Pumasok na sa preliminary investigation ng Office of the Ombudsman ang reklamong inihain laban kay Tarlac 3rd District Rep. Noel “Bong” Rivera kaugnay ng umano’y conflict of interest sa mga government infrastructure projects.

Kinumpirma ito ni Assistant Ombudsman Mico Clavano, na nagsabing dumaan muna sa masusing imbestigasyon ang reklamo bago ito umabot sa preliminary investigation.

Sa reklamo, iniuugnay si Rivera sa Tarlac 3-G Construction & Development Corporation, na umano’y pag-aari niya at ng kanyang asawang si Concepcion Vice Mayor Evelyn Rivera. Ayon sa complainant, nakakuha ang kumpanya ng mga kontrata sa iba’t ibang infrastructure projects habang nanunungkulan si Rivera bilang kongresista.

Nakasaad din sa reklamo na humigit-kumulang 30 government contracts ang umano’y sangkot, kabilang ang flood control, road projects, school buildings, at health centers.

Hiniling din ng complainant sa Ombudsman na siyasatin ang umano’y mga ari-arian ng mag-asawang Rivera, kabilang ang mga mansion, luxury vehicles, lupain, at resort properties.

Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na pahayag si Rep. Rivera kaugnay ng mga alegasyon.

📷 Source: Office of the Ombudsman

Address

Tarlac
2300

Opening Hours

Monday 8am - 5am
Tuesday 8am - 5am
Wednesday 8am - 5am
Thursday 8am - 5am
Friday 8am - 5am

Telephone

+63459824051

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tarlac Today posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Tarlac Today:

Shortcuts

Share