21/12/2025
Lubos po ang aking pasasalamat at taos-pusong tinatanggap ang Gawad Parangal sa Natatanging Anak ng Tanay. This recognition is something I never imagined I would receive, and I accept it with a grateful heart.
For twenty years, I worked as an OFW, twenty years of sacrifice, distance, and longing for home. Maraming pagkakataon na malayo ako sa aking pamilya, at sa mga panahong iyon, dala-dala ko lamang ang pangarap na balang araw, makauwi ako at may maipagmalaki akong naipundar para sa kanila. In those quiet moments abroad, Sawasdee became more than just a hobby it became my refuge, my creative outlet, and eventually, a source of purpose.
Malaki po ang naging inspirasyon sa akin ng mga proyekto ng DTI at ng LGU ng Tanay. Through their programs, I was given opportunities, opportunities to learn, to grow, and to believe in myself again. These initiatives reminded me that dreams do not end when we retire; sometimes, they only begin.
Ang mga pagkakataong ito ang nagsilbing matibay na pundasyon upang maipamuhay ko ang mga adhikaing matagal ko nang pinangarap para sa aking pamilya, mga pangarap na isinilang habang ako’y malayo sa kanila, ngunit patuloy kong iningatan sa aking puso. What once was only a dream overseas slowly became a reality here at home.
Sa aking pagbabalik sa Tanay, I found not just a place to settle, but a community that welcomed my journey. Naramdaman ko na may puwang ako rito, at ang aking mga karanasan, maliit man o malaki ay may halaga at saysay.
Maraming salamat po sa Tanay LGU at Tanay Tourism for believing in people like me and for opening doors that allow us to participate, contribute, and grow with our community. Isang malaking karangalan po ang maging kabahagi ng inyong mga programa.
At higit sa lahat, taos-puso rin po akong nagpapasalamat sa aming mga customers ng Sawasdee. You welcomed not just our food, but the story behind it. Ang bawat bisita, bawat balik, at bawat simpleng “masarap” ay naging patunay na ang dalawampung taon kong pagtatrabaho sa Thailand ay may saysay at may patutunguhan.
Ang parangal na ito ay hindi lamang para sa akin. This is for every OFW who continues to dream, to sacrifice, and to hope, that one day, all the hardships will turn into a meaningful story of purpose and fulfillment.
Muli, maraming salamat sa lahat ng mga taong naging kabahagi ko sa journey na ito. This award belongs to all of you.