11/08/2026
From trending and flooded inquiries to getting called out and completely burned out. 📈🤯😮💨
Dito nag-umpisa ang lahat. Napromote, nagtrending, na-call out, at nagulantang sa dami ng inquiries. Thanks to Sir Heneral grabe talaga naging impact. Aaminin ko, ginusto naman namin ito, sino ba namang ayaw ng maraming orders, 'di ba? Eh ako yung Hamak na baker na mukhang pera! 🤑 HAHA. Pero hindi ko inakala na aabot ako sa punto na para na akong nauupos na kandila. Sa sobrang pagod, puyat sa pagbabake, personal errands, at mga unexpected challenges na never ko na-experience sa buong buhay ko bilang baker.. halos 'di ko na makilala 'yung sarili ko. Nilamon na ako ng stress. Pero God is Good talaga, dahil kinaya at nalampasan parin namin yun! 😇🙏
Alam ko tinest lang ako ni Lord dito dahil He’s preparing me for the bigger picture, para sa mas malaking goal namin ng partner ko. Hindi kami papatibag! Mas titibay pa kami para sa mga susunod na maraming orders. At tiwala ako na ilalayo kami ni Lord sa mga taong walang magandang maidudulot sa business namin. 🛡️🔥
Highs and lows man, I’m still not giving up on baking. Sorry sa mga naging kapalpakan nung overwhelmed ako. We’re accepting orders parin naman po pero dahil na din po sa naging panahon at aberya sa linya ng kuryente kailangan ko po minsan ng adjustment. I hope for your kind understanding BKLOVES, magbabake parin hamak nyong baker. Napagod lang, magpapahinga lang 🤍🫂
Pahinga lang konti, magbabalik din nang mas malakas! Stay tuned BKLOVES 🤍😘
To God Be The Glory Always 🙏😇