04/09/2026
KASAMA NATIN ANG FOODROCK SA PAGLILINGKOD SA KOMUNIDAD ❤️
Hindi lang po pagkain ang nais naming ihain sa FoodRock—nais din nating maging bahagi ng pagtulong at pagbabahagi sa ating mga kabarangay.
Kaya naman nagpapasalamat kami sa mga organisasyon at grupong patuloy na nagtitiwala sa aming munting kainan upang maging katuwang sa kanilang mga feeding program, outreach activities, at community initiatives.
🦅 Heroes Sunvalley Eagles Club
🟢 Alpha Kappa Rho
🔥 Team Hottraxx
Maraming salamat po sa pagtitiwala at sa pagkakataong makasama ninyo sa paghahatid ng pagkain at kaunting tulong sa ating mga kabarangay.
At higit sa lahat, lahat ng ito ay nagiging posible dahil sa walang-sawang suporta ninyo sa aming munting kainan. ❤️
Sa bawat order ninyo sa FoodRock, hindi lang po kayo nakakatulong sa aming maliit na negosyo—nagbibigay din kayo ng pagkakataon para mas marami pa kaming mapagsilbihan at matulungan sa ating komunidad.
Mula sa FoodRock family, maraming maraming salamat po!
Patuloy kaming magiging kasama ninyo sa paglilingkod, pagbabahagi, at pagtulong sa ating komunidad