11/11/2023
Kindly support us by liking our logo. Thank you!
๐งก๐งก๐งก
๐ฏ๐๐๐
๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐?
Narito ang mga logo ng mga Grade 12 students na magpapakita ng kanilang husay at galing sa larangan ng pagluluto.
Pero wait lang, sabi nila "Luto-luto lang 'yan, madali na 'yan," ngunit hindi lahat kayang magluto ng masarap na hindi matutumbasan, makagawa ng sariling recipe, at makapagbigay kasiyahang hindi inaasahan.
Sa katunayan, hindi naman talaga lahat mahusay sa larangang ito. May tinatawag na 'forte' kung saan ito ang sariling kakayahan na masasabing galing at talino. Baka ikaw, ito ang forte mo?
At alam mo ba, isa rin itong propesyon sapagkat hindi lang naman pagluluto ang ginagawa dahil dumadaan din ito sa prosesong may pagsisikap, dedikasyon, at kasanayan.
Dahil dito, maraming mga negosyo ang naipundar katulad na lamang ng mga fast foods, restaurants, at syempre hindi mawawala ang mga small businesses.
Tulad sa paparating na Sportsfest, may mga piling mag-aaral mula sa ika-12 na baitang ang magpapamalas ng kanilang galing at husay sa larangan ng pagluluto na maaaring mabili sa kanilang mga kiosk.
Kaya ano pa ang hinihintay mo? Ating tangkilikin ang mga produktong ibibida ng mga mag-aaral mula sa ika-12 na baitang. Maaari tayong bumili ng kanilang mga paninda sapagkat siguradong malinis, dekalidad at masarap ito.
Nabusog ka na, nakatulong ka pa, kaya bili na!
Akda ni Bridget Camille A. Katagang