13/08/2026
🌱 Masustansyang Baon, Para sa Mas Malakas na Kinabukasan!💚🐔
Isang malaking pasasalamat mula sa ating mga partner schools na patuloy na nagbibigay ng pagkakataon upang maihatid namin ang aming produkto sa kanilang mga mag aaral! 🙏✨
Masaya naming ibinabahagi na available na ang ating masustansyang Special Chicken Pastil Empanada sa mga canteen ng:
🏫 Salvacion Elementary School
🏫 Ernesting Gonzales Central School
🏫 San Jose Elementary School
Ang aming layunin ay simple ngunit mahalaga ang makapaghatid ng masarap, masustansya, at abot kayang pagkain na gawa sa maingat na piniling sangkap at maaaring maging bahagi ng mas magandang araw ng ating mga estudyante.
Naniniwala kami na ang isang batang busog at may sapat na nutrisyon ay mas handang matuto, maglaro, makilahok, at abutin ang kanilang mga pangarap.📚💪✨
Kaya naman, hindi lang pagkain ang nais naming ihain nais naming maging bahagi ng mas malusog at mas masiglang henerasyon ng ating mga kabataan. ❤️
Maraming salamat sa ating mga paaralan, school administrators, teachers, parents, at sa lahat ng sumusuporta sa aming munting layunin. Sama sama nating suportahan ang ating mga kabataan sa pamamagitan ng masustansyang pagkain at pagmamahal sa kanilang kinabukasan.🌱
Masarap. Masustansya. Para sa batang may pangarap.💚