07/06/2026
🎨📚 Tara na sa MAKALAYA-Isabela Social Solidarity Economy (SSE) & Care Hub 🌳✨
Ikinagagalak ng MAKALAYA Isabela na anyayahan kayo sa paglulunsad ng ating MAKALAYA Produk-Tulong & Care Hub! Bilang isang kinikilalang CSO sa ating lungsod, ang shared facility na ito ay hindi lamang isang tindahan—ito ay isang inobasyon na nakasentro sa 5Rs of Care upang matulungan ang ating mga kababaihan na mapagaan, maibahagi, mabigyang-halaga ang unpaid care and domestic work.
🌿 Climate Action sa Komunidad Bilang bahagi ng ating pangako sa kalikasan, ang pasilidad na ito ay:
☀️ Nagtatransisyon sa paggamit ng mga kagamitang solar-powered para sa malinis na enerhiya at low-carbon operations.
🔄 Mayroong gawaing pang-upcycling sa ating Circularity Corner upang ang mga patapong materyales ay gawing bagong marketable goods.
🌿 May eco-refillery o Zero-Waste Refilling Station upang tuluyang maiwasan ang paggamit ng mga single-use plastics sa pang-araw-araw na pangangailangan.
🌟 HIGHLIGHT ACTIVITY: "Play & Learn" with Teacher Lyra
Bilang pangunahing tampok ng ating shared community facility, binubuksan natin ang isang ligtas at masayang espasyo para sa paglalaro ng mga bata (edad (2-8)
👩🏫 Guided Activity: Masayang pagbabasa, paggawa ng likhang-sining, at paglalaro sa ilalim ng gabay at pagmamahal ni Ma'am Lyra Mae J. Aradanas.
🍎 Healthy & Affordable Snacks: Bahagi ng ating paglulunsad ang paghahain ng masustansya at abot-kayang meryenda—gaya ng fruit juice at freshly baked bread at goodies.
✊ Ano pa ang hatid ng MAKALAYA SSE and Care Hub?
Produk-Tulong: Isang tulong-pangkabuhayan para sa mga home-based workers upang magpalitan at magbenta ng kanilang mga produkto.
May espasyo rin para sa Exclusive Breastfeeding.
Sama-sama nating itaguyod ang kagalingan ng mga kababaihang homebased-workers, kilalanin at pahalagahan ang care work. Itaguyod ang isang makakalikasan at makataong ekonomiya!
📞 Magpareserba ng slot para sa Play and Learn Session with Teacher Lyra: (0936) 779-5864
📍 Shared Facility: Purple Hub, Patul Road, Patul, Santiago City