21/08/2020
PABATID
Ang bisa ng Home Quarantine Pass ay EXTENDED hanggang Agosto 30, 2020.
Pinaaalalahanan pa rin ang lahat na huwag lumabas tuwing araw ng Linggo maliban kung magsisimba o nagtatrabaho sa araw na iyon. Ipakita lamang ang Company ID at Certificate of Employment sa awtoridad.
Ang mga esensyal na negosyong pinapayagang mag-operate ay maaaring magbukas tuwing Linggo, o ‘di kaya ay gamitin ang araw na ito para magdisinfect ng kani-kanilang establisimiyento. Ang pampublikong pamilihan (public market) ay bukas sa araw ng Linggo.
Ang mga residenteng may medical emergency o magpapa-check-up ay pinapayagan ding lumabas.
Para sa inyong kaalaman at pagsunod.
ARLENE B. ARCILLAS
Punonglungsod