08/05/2024
Para sa mga kabataan na nagtatanim ng sama ng loob sa magulang
Tuwing pinapangaralan
Makinig kayo..
Alam niyo kung mahal nyo yung mga magulang nyo
Makikinig ka sa sinasabi niya..
Kase yung advice nila dyan ka matututo
Swerte ka kung pinaparanas sayo ng magulang mo yung pangangaral sayo
Lagi mong tandaan
Na hindi ka nila pagsasalitaan ng hindi maganda
Kung wala kang ginagawang masama sa paningin nila
Nasasaktan ka?
Tapos ang tanging paraan na naiisip mo ay maglayas?
Bago mo gawin yan sana marealize mo
Na yung sakit na nararamdaman mo ay doble
Sa sakit na nararamdaman ng magulang mo
Pag ginawa mong maglayas..
Alam mo kung bakit?
Dahil sa action mo nayan
Pinapakita mong hindi ka takot sa kanila..
Pinapakita mo na lahat ng pangaral nila binabalewala mo
Masakit yun para sa isang magulang
Na ang gusto lang naman ay mapunta ka sa tamang landas
Lagi mong tandaan
Hanggat nasa puder ka
Ng magulang mo
Sumunod ka sa kanila
Dahil lilipas ang panahon..
Baka yung ginagawa mo sa magulang mo
Ay gawin din sayo ng magiging Anak mo..
ctto:MarengBêll