22/08/2026
August Reminder for Every Business Owner
Ang August ay isa sa mga pinakamahirap na buwan para sa maraming negosyante, lalo na sa food business. Halos araw-araw ang ulan, may mga bagyo, kaunti ang lumalabas na customers, at may mga araw na talagang ramdam natin ang bagsak ng sales at pagkalugi.
Pero tandaan natin, ang mahirap na buwan ay hindi ibig sabihin na mahina ang negosyo natin. May mga panahon talagang sinusubok ang tibay, diskarte, at pananampalataya natin bilang business owners.
Hindi natin kontrolado ang panahon, pero kontrolado natin kung paano tayo lalaban. Mas pagbutihin ang marketing, serbisyo, quality ng pagkain, pag-manage ng gastos, at higit sa lahat, huwag mawalan ng tiwala sa negosyo na sinimulan natin.
Ang August ay pagsubok lamang, hindi katapusan.
Lilipas din ang ulan. Darating ulit ang mga araw na punong-puno ang mga mesa, malakas ang sales, at makikita natin kung bakit sulit lahat ng pagtitiis natin ngayon.
Kaya sa lahat ng business owners, kapit lang, laban lang, at huwag bibitaw. Ang tunay na negosyante ay hindi nasusukat kapag malakas ang negosyo. Nakikita ang tunay na tibay niya sa panahon na mahina ang benta pero pinipili pa rin niyang bumangon, mag-adjust, at magpatuloy.
Survive August. Prepare for the stronger months ahead. Our sacrifices today will become part of our success story tomorrow. Laban mga Papi. 💪🏻😇🙏🏻