04/12/2025
Sa amin pong mga pinahahalagahang mga kliyente, nais po naming ipabatid na:
✅ Lubos naming nauunawaan ang inyong kagustuhang mag-saya kasama ang inyong mga kapamilya at kaibigan;
✅ Ngunit kailangan rin po namin limitahan ang kasiyahan na ito lalong-lalo na po kung ito ay nakaka-gambala na sa ating mga kapwa sa kapaligiran.
✅ Ang tuntunin na ito ay hindi basta inilagay upang alisin ang kasiyahan sa inyong pagtitipon, ito ay naka-saad rin sa umiiral nating pambayang ordinansa.
☑️ Upang maging paala-ala po sa ating mga kliyente, tayo po ay nag-lagay muli ng mga munting paala-ala na nakapaskil at mababasa sa paligid ng roofdeck.
Sa katunayan lang po, hindi rin po ito ayon sa kagustuhan ng ibang mga kliyente at lubos na apektado rin po ang aming operasyon, at lalo na ang aming income, ngunit kailangan natin itong gawin dahil ito ang nararapat.
Pasensya na pong muli sa inyong lahat.
Maraming salamat po sa inyong lubos na pang-unawa.