15/12/2024
Congratulations Bayan ng San Rafael!
BAYAN NG MGA ANGHEL, RECORD HOLDER NA SA GUINNESS!
Matagumpay na nakamit ng ating Bayan ang New Guinness World Records sa kategoryang "Largest Gathering of People Dressed as Angels".
Ang Guinness World Attempt na isinagawa ay mula sa hangarin na maipakilala natin ang ating Patron na si San Rafael Arkanghel at upang makuha ng Pilipinas ang nasabing titulo mula sa Canada na nakapagtala noong 2015 ng 1,275 katao na nakasuot ng anghel na kasuotan.
Nitong Sabado lamang, ika-14 ng Disyembre 2024, naiuwi ng ating Bayan sa Pilipinas ang titulo ng makasaysayang pagtatala ng 2,000 San Rafaeleños na nakabihis Anghel.
Ito ay hango sa taunang pagdiriwang ng Angel Festival ng ating Bayan para kay San Rafael Arkanghel.
Ang lahat ng ito ay naging matagumpay sa sama-sama nating pagtutulungan at suporta ng buong Pamahalaang Bayan, lahat ng mga indibidwal sa likod ng buong proseso, at ng ating butihing Punong Bayan, Mark Cholo I. Violago.
Pagbati sa bawat isang San Rafaeleños na naging bahagi ng panibagong tala sa kasaysayan ng ating minamahal na Bayan ng mga Anghel!