31/08/2023
"ANG PAGDATING NI PROPETA MOHAMMAD AYON SA QUR'AN AT BIBLIYA"
Sa Ngalan ng ALLAH, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal
Bigkasin mo, O Muhammad (ﷺ), ang anumang ipinahayag sa iyo na mula sa Dakilang Qurân bilang iyong pagsisimula! Sa Pangalan ng iyong Rabb na Bukod-Tanging Tagapaglikha
Qur'an Al-Alaq : 96-1
-------------------------------------------------------------------------"
'Sabihin mo [sa kanila O Muhammad]: “O sangkatauhan, katotohanan, ako ay Sugo ng ALLAH para sa inyong lahat - Siya na nagmamay-ari [at tanging tagapamahala] ng mga kalangitan at ng kalupaan. Walang diyos [na dapat sambahin] maliban sa Kanya. At Siya ang nagbibigay ng buhay at nagdudulot ng kamatayan.” Kaya, maniwala sa Allah at sa Kanyang sugo [Muhammad], ang Propetang hindi marunong magsulat at magbasa na naniniwala sa Allah at sa Kanyang mga salita [Kapahayagan] at sumunod sa kanya upang sakali kayo ay mapatnubayan.
Qur'an Al-A'raaf 7:158
--------------------------------------------------------------------------
"At ang aklat ay nabigay sa kaniya na hindi marunong, na sinasabi, Iyong basahin ito, isinasamo ko sa iyo: at kaniyang sinasabi, Ako'y hindi marunong bumasa.
Bibliya Isiah 29:12
-------------------------------------------------------------------------
'Ipaalaala mo, O Muhammad (ﷺ), sa iyong sambayanan, noong sinabi ni `Îsã na anak ni Maryam sa kanyang sambayanan: O angkan ni Isrâ`il, walang pag-aalinlangan, ako ay Sugo ng ALLAH sa inyo na pinatutunayan ang anumang dumating na nauna kaysa sa akin na Tawrah, at nagbibigay ng magandang balita at tumetestigo sa Sugo na darating pagkatapos ko na ang kanyang pangalan ay Ahmad, na siya si Muhammad (ﷺ), at mag-aanyaya na siya ay paniwalaan, subalit nang dumating sa kanila si Muhammad (ﷺ) na may dala-dalang malilinaw na mga talata, kanilang sinabi: Ang dala-dala mo sa amin ay malinaw na salamangka.
Qur'an As-Saff 61:6
-------------------------------------------------------------------------
Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kaniya.
Bibliya Deuteronomy 18:18
--------------------------------------------------------------------------
'Kung ako'y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.
At ako'y dadalangin sa Ama, at kayo'y bibigyan niya ng ibang Mangaaliw, upang siyang suma inyo magpakailan man,
Sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng katotohanan: na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagka't hindi nito siya nakikita, ni nakikilala man siya: siya'y nakikilala ninyo; sapagka't siya'y tumatahan sa inyo, at sasa inyo.
Bibliya Juan 14:15-17
--------------------------------------------------------------------------
"Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating.
Bibliya Juan 16:13
--------------------------------------------------------------------------
'Sabihin mo O Mohammad: Siya ang ALLAH, Ang Nag-iisa
Ang Ganap at Sandigan at inaasahan ng lahat
Siya ay hindin ipinanganak at hindi nagkaroon ng anak
At sa Kanya ay walang makakapantay o makakatulad
Qur'an Al-Ikhlas 112:1-4
--------------------------------------------------------------------------
At hindi ka Namin ipinadala, O Muhammad (ﷺ), kundi bilang Habag sa sangkatauhan at sa lahat ng nilikha, na kung kaya, sinuman ang maniwala sa iyo ay liligaya at maliligtas, at sino naman ang hindi maniwala sa iyo ay magdadalamhati at mabibigo.
Qur'an Al-Anbiyaa' 21:107
--------------------------------------------------------------------------
Nilikom at Inihanda ni:
Jameel Allan Lumanog
( Islamic Propagator )
Jeddah Midwest Dawah Association
Watsapp no. 0533933695
Please share to the Non-Muslim
Jazakumuallahu Khayran