18/04/2024
Kaya pala nag papawave kami sa inyo, VIPs! Goodbye na pala yun. π₯²
Gusto ko lang magpasalamat sa huling pagkakataon, sa 6 years serving of Premium to Patrix Happiness!
A series of ups and downs sa mundo nang food business, imagine nasurvive natin yung pandemic 2020. Sa mga staff namin mula noon hanggang sa huli. Salamat, A-team! Sa mga customers na bumalik balik padin, Salamat sa walang sawang support.
This song will be part of a core memory. Yung street. From LC, Canossians, LSPU, DLSP, SPC! Sa mga na witness naming tawanan, iyakan, breakups, proposal, landian, away nang magjowa hindi tuloy nagalaw yung Amigos Platter! π₯Ήπ₯² Sa mga solo VIPs na naging tahanan yung Patrix sa mundong magulo, naway napatahimik at napangiti, napakalma namin kayo. Sa mga Lolo at Lola na bitbit ang mga Apo para makapag icecream, sa mga VIPs na buntis at naglihi, nagcrave bigla nang Patrix. Sa mga teachers na after school, pahinga na lang nila magtawanan kasama mga ka g**o nila. Andami niyo, marami din kaming natutunan sa inyo guys! Salamat! Shifting Careers para sa magandang kinabukasan!
This Patrix door needs to close so we can start anew on our π¬π§ journey. Embarking a new life awaits us! Hindi na kami na-bata. π
Patrix VIPs will always be part of our new beginning! Padayon sa ating lahat. π₯Ήπ
Comment down anong core memory niyo sa Patrix! Pictures and Memories will do! Masaya balikan to tipong 20 years from now. Hehe! We love you,VIPs! π₯Ήπ