12/04/2026
Sa aming mga minamahal na suki ng Alvaran's Lomian,
Maraming salamat sa inyong walang sawang pagtangkilik
sa aming mga putahe. Nais naming ipabatid na dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at sangkap sa merkado, magkakaroon po kami ng bahagyang pagbabago sa presyo ng aming menu simula po bukas April 13, 2026.
Nais din po naming linawin na ang adjustment na ito ay pansamantala lamang. Asahan ninyo na ibabalik namin
ang aming dating presyo sa oras na bumaba o mag-normalize na muli ang halaga ng mga bilihin sa pamilihan.
Ginagawa po namin ito upang mapanatili ang kalidad at dami ng pagkaing inyong kinagigiliwan.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at patuloy na suporta.