18/07/2026
Episode 2
Pamagat: Love story ni Luna at Migz
Writer : Jay Ay
Nagbago ang tingin ni Migs. Dahil sa nakita niyang sipag ni luna, hindi na niya maalis sa isip niya si Luna. Pero sa school, suplado pa rin siya. Sinusubukan niyang asarin si Luna para itago ang nararamdaman, pero mas nagiging interesado siya sa buhay nito.
Isang hapon, sinundan ni Migs si Luna (kunwari ay aksidente lang). Nakita niya si Luna na nagpapalit ng uniporme sa likod ng isang sikat na coffee shop. Hindi na ito ang tahimik na scholar; ngayon, suot na ni Luna ang vest ng isang delivery service at apron ng waitress.
Habang pinapanood ni Migs mula sa kanyang kotse, nakita niya kung gaano kapagod si Luna—nagse-serve, naglilinis, at sumasakay sa motor para mag-deliver. “Ang sipag niya pala,” bulong ni Migs. Hindi niya inaasahan na sa likod ng pagiging top student ni Luna, may ganito itong kabigat na responsibilidad.
Gabi na, galing si Migs sa birthday party ng kaibigan. Naglakad siya pauwi dahil nasiraan ang sasakyan niya sa malapit na eskinita. Biglang may tatlong lalaking nakainom at mukhang adik ang humarang sa kanya.
"Pare, ang ganda naman ng relo mo. Akin na 'yan!" pagbabanta ng isa sabay saksak ng patalim.
Sinubukan lumaban ni Migs, pero dahil lasing at kulang sa training, napuruhan siya sa braso at bumagsak sa sahig. Akma na siyang sasaksakin nang biglang may humaharurot na motor na huminto sa harap nila.
Si Luna. Galing siya sa delivery.
"Hoy! Anong ginagawa niyo?!" sigaw ni Luna.
"Umalis ka na rito, miss! O gusto mong sumama?" banta ng isa.
Hindi sumagot si Luna. Ibaba niya ang kanyang motor at dahan-dahang nag-stretch. Naalala niya ang turo ng tatay niya sa bundok ang martial arts na ginagamit nila para protektahan ang sarili laban sa mga hayop at masasamang loob.
Sa bilis ng isang iglap, sumugod si Luna. Isang malinis na roundhouse kick ang tumama sa unang lalaki, at isang arm lock naman ang nagpatumba sa pangalawa. Ang ikatlo ay kumuha ng bakal, pero sinalubong ito ni Luna ng isang disarming move na natutunan niya sa bundok. Nagtatakbo ang mga adik dahil sa gulat at takot sa babaeng hindi nila inaasahang lalaban nang ganun katindi.
Hingal na hingal si Luna habang inaayos ang kanyang buhok. Lumapit siya kay Migs na nakahandusay at gulat na gulat.
"O, anong tinitingin-tingin mo?" supladang tanong ni Luna, bumalik ang pagiging matapang niya. "Masyado kang mayaman para maglakad sa ganitong lugar nang mag-isa."
Hindi makapagsalita si Migs. Nakatingin lang siya sa mga kamay ni Luna, at sa aura nito. “Ito ba yung babaeng inaasar ko? Ang lakas niya,” isip ni Migs. Dito, nagsimulang magbago ang lahat. Hindi lang pala ito mahinhin; ito ay isang mandirigma.
"Bakit mo ako tinulungan?" tanong ni Migs.
"Hindi ko alam na ikaw 'yun. Kung alam ko, baka hinayaan na lang kita," sagot ni Luna bago sumakay sa motor niya at humarurot palayo.
Iniwan siyang tulala ni Migs. Ang supladong si Migs, sa unang pagkakataon, ay naramdaman ang tunay na respeto at paghanga—ang klase ng paghanga na hindi kayang ibigay ni Vespa