08/06/2026
⚠️ AWARENESS POST ⚠️
Sa kapwa namin small business owners at valued customers, doble ingat po tayo sa pagtanggap ng pera. Sadly, nabiktima po kami today ng pekeng ₱1,000 bill dito sa Kewl Brews.
Masakit man isipin, bawat benta po kasi ng maliliit na negosyo ay pinaghihirapan. Puyat, pagod ng mga staff, at puhunan ang ginugugol kaya malaking bagay po ang mawalan dahil sa pekeng pera.
Hindi po namin ito shinashare para manira, kundi para maging aware ang lahat. Sana po mas maging mapanuri tayo lalo na sa malalaking bills at busy hours.
Sa kapwa mga nagnenegosyo, maliit man or malaki, kapit lang tayo. Mahirap na nga magnegosyo, mas mahirap pa kapag may mga ganitong nangyayari. 🙏
Stay safe everyone at maraming salamat sa patuloy na suporta sa Kewl Brews.