16/09/2026
📢 URGENT LPG PRICE & SUPPLY ADVISORY
⚠️ PLEASE BE ADVISED
May mga inaasahang pagbabago sa presyo at supply ng LPG sa mga susunod na araw o linggo.
Sa ngayon, ginagawa ng Mabuhay Gaz ang lahat ng aming makakaya upang ma-hold at mapanatili ang ating kasalukuyang presyo hangga’t maaari, sa kabila ng mga patuloy na pagbabago sa supply at market conditions.
Gayunpaman, hindi namin makokontrol ang mga susunod na galaw ng presyo at supply. Kaya naman, mariin naming pinapayuhan ang aming customers na maghanda at mag-stock ng sapat na LPG para sa kanilang regular na pangangailangan habang available pa ang kasalukuyang presyo at supply.
🔔 Kung may regular kayong consumption, mas mabuting magplano at um-order nang mas maaga kaysa maabutan ng posibleng pagbabago sa presyo o availability.
⚠️ DISCLAIMER: Ang advisory na ito ay inilalabas bilang guidance at precautionary measure lamang. Maaaring magkaroon ng pagkakaiba sa impormasyon mula sa iba’t ibang sources o references. Ang bawat customer ay malayang magdesisyon batay sa kanilang sariling pangangailangan, consumption, at kapasidad sa pag-stock.
Patuloy naming gagawin ang aming makakaya upang maprotektahan ang aming customers at mapanatili ang pinakamagandang presyo na kaya naming ibigay sa kabila ng kasalukuyang market situation.
Maraming salamat sa inyong patuloy na tiwala, pang-unawa, at suporta sa Mabuhay Gaz. ❤️
Maging handa. Magplano nang maaga.
Kung kailangan ninyo ng LPG, huwag nang maghintay ng last minute.