Boss Cris TV

Boss Cris TV ( Delivery Rider / Sales Promoter )
TEAM GENG-KOYS - FEELING BLOGGER
TIKTOK : Boss Cris Tv
https://www.tiktok.com/?_t=ZS-8zgwcprFWN8&_r=1

06/08/2026

Mabait akong tao at ayoko ng gulo. Pero ayoko rin ng inaabuso.

Tarantado rin naman ako dati, pero nagbago na ako at pinipili ko nang maging maayos. Kaya huwag mong isipin na mahina ako dahil lang kalmado ako.

Pwede mo akong murahin kung gusto mo, pero huwag mo akong gagalawin. May hangganan din ang pasensya at respeto ng bawat tao 👌

05/08/2026

Day 11 of my Rider Journey. 🛵💛

Laoag City at Batac City naman ang naging biyahe natin ngayon, mga boss! Maraming salamat sa lahat ng naging customer, lalo na sa mga taga-Batac City—sobrang babait ninyo at mapagbigay pa sa tip. 🥹❤️

Nakakagaan ng pagod ang simpleng appreciation at suporta ninyo. Maraming salamat sa tiwala! Hanggang sa susunod na delivery. Ride safe palagi! 🛵💛

03/08/2026

Wag mong isipin yung hirap at pagod kapatid 👌

03/08/2026

Championship nalang kulang 🏆

03/08/2026

Yung kaka scroll mo naka dating ka ng i witness ng GMA 😂

03/08/2026

Share ko lang ang nangyari sa akin nung nakaraan na nagdeliver ako mga boss

May delivery kami mula sa Mang Inasal Baccara Road. Tumawag lang ako sa customer para magtanong ng eksaktong landmark oh other landmark sa Brgy. 2, Laoag City para mas mabilis kong mahanap ang address at maihatid agad ang order.

Sa halip na matulungan at ibigay yung mga landmark na tinatanong ko pinagmumura ba naman ako sa tawag uk*ninana sapulem a kunana at sinabihan ng, "Agdeldeliver kay ngamin nga, madi yo ammo?"

Bilang rider, hindi ibig sabihin na kabisado na namin ang bawat bahay, eskinita, at landmark sa bawat barangay. Napakalawak ng mga lugar na pinupuntahan namin araw-araw. Isang simpleng landmark or ibang landmark lang sana ang hinihingi namin para mas mabilis naming maihatid ang inyong order.

Umuulan man o tirik ang araw, ginagawa namin ang aming trabaho nang maayos. Sana ay maintindihan din na ang delivery charge na binabayaran ay para sa serbisyong ibinibigay namin—hindi para bastusin, murahin, o maliitin ang aming pagkatao.

Hindi ko ito ibinabahagi para makipagtalo o manira ng kahit sino. Gusto ko lang ipaalala na tao rin kaming mga rider. Kaunting respeto at maayos na pakikipag-usap lang ang hinihiling namin.

Maraming salamat sa lahat ng customers na nagbibigay ng malinaw na landmark at gumagalang sa aming mga rider. Kayo ang dahilan kung bakit sulit ang bawat biyahe. 🏍️💛

Delivery charge lang binabayaran niyo po samin hindi ang buong pagkatao namin 😌

“May mga pangarap na hindi natuloy. Hindi dahil sumuko ako, kundi dahil may mga pagkakataong kailangan kong piliin ang r...
29/07/2026

“May mga pangarap na hindi natuloy. Hindi dahil sumuko ako, kundi dahil may mga pagkakataong kailangan kong piliin ang realidad kaysa sa gusto ng puso. Hindi naging madali, pero natutunan kong hindi lang iisa ang daan para umasenso. Kung hindi man ako napunta sa pangarap kong landas, dinaan ko na lang sa diskarte, sipag, at tiyaga. Hindi man pareho ang naging direksyon, ang mahalaga ay patuloy akong lumalaban para sa sarili, sa pamilya, at sa kinabukasan. Minsan, ang tagumpay ay hindi tungkol sa naabot mong pangarap noon, kundi sa kung paano ka bumangon at gumawa ng bagong oportunidad. Tuloy lang ang laban—dahil ang pangarap, pwedeng magbago, pero ang determinasyon, hindi.” 💪

28/07/2026

Day 10 of my Rider Journey. 🛵💛

Laoag City to Batac City, tuloy lang ang biyahe. Maraming salamat po sa bawat booking, tip, at tiwala. Bawat delivery ay inspirasyon para mas pagbutihin pa ang serbisyo. Sulit ang pagod kapag masaya at ligtas na natatanggap ng customer ang kanilang order. Maraming salamat sa suporta mga boss madam ! 🙏

27/07/2026

Sobrang bait nganiii 😌

Address

San Nicolas

Telephone

+639074668584

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Boss Cris TV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Boss Cris TV:

Shortcuts

Share