Ako po si Maria Carmela Domingo Villamor, isang simpleng tao na kinahiligan ang pagkain ( hindi naman po obvious sa aking sexy pangangatawan hehehe). At kung may pagkakataon na hindi nya kami kasama, at may matitikman sya na masarap, sigurado po yun na pagdating sa bahay e iluluto nya iyon at ipapatikim sa amin. Napakihilig po talaga nyang magluto at masarap naman po ng walang halong biro ang kany
ang mga luto. ( lahi po nila ang masasarap magluto). Naalala ko pa noon, kami ng aking ina ang katulong nya sa paghihiwa hiwa ng mga sangkap ng kanyang lulutuin at may kanya kanyang tamang hiwa o sukat ang bawat putaheng kanyang lulutin. At kapag kami ay nagkamali , hindi na po niya yun gagamitin ( may kaartehan din hehehe). At dahil siguro, lagi ko siya napapanuod magluto, natuto akong magluto. Katulad ng aking ama, sa tuwing kumakain ako sa mga kainan na aking nasasarapan, kapag uwi ko ng bahay, lulutuin ko yun para sa aking pamilya. Para bang may angking agimat ang aking dila na malasahan ang mga sangkap na ginamit sa putaheng aking natikman. At namaster ko ang aking pagluluto sa aming munting bahay. Nung una, ang isip ko ay, bias ang aking mga kapatid at ina dahil sa lagi nilang sabi, " masarap ditse.", "masarap pa sa mga pagkain sa restaurants."..."naku ditse, kaya natin tapatan ang mga pagkain nila." Pero ng ang aking mga luto ay natikman na ng mga kapuso, kapamilya, kamag-anak, kaibigan, mga kaibigan ng aking mga kapatid na ang mga sinasabi ay.."babalik kami ditse dahil sa mga luto mo.", "ditse, ang sarap ng luto mo. grabe babalik balikan.", "foodbiz na yan ditse.", "iintayin namin ang mga luto mo". "nandito kami ditse, kayang kaya mo yan."
............Kaya sa tulong ng aking pamilya at ng Poong May Kapal, eto na po mga kamag-anak, kapuso, kapamilya, mga kaibigan, mga kapatid.....Ang aking kaalaman sa pgluluto ay akin ng ibabahagi sanyo.........
Halina't tikman ang mga pagkain niluto ng may pagmamahal....."tatak ng puso, TATAK DITSE!'.