07/09/2026
Ramdam na ba ng lahat? 😢
Grabe na po ang presyo ng mga bilihin ngayon. Damang dama namin lalo ng araw araw po na namimili sa palengke o supermarket man, alam nyo ‘yan. Sobrang gets po namin ang mga customers na napapa-aray na talaga, dahil mas umaaray po kami pag apektado ang presyo.
Kahit anong pilit po nating ibaba ang presyo talaga pong may mga nagtaas, pero makakasiguro po kayong di kami nagtitipid ng sangkap at quality. Bilang consumer, kami rin po ay sumubok sa ibang kainan dito sa San Mateo at Marikina since pinipilit po talaga naming ikeep ang prices, ito ay simpleng effort to observe, kumakausap rin kami ng kapwa business owners, pero grabe na pala, marami pala ang apektado talaga, may ibang pasuko na, since halos lahat po ng raw products ay mataas na. Maski minsan na nasa loob na mismo ng palengke ang pwesto ay mataas na rin gawa ng ibang cost / factors.
Sa atin pong mga Small Business owners, salute po!
Sumusubok at hindi sumusuko! 🥹 Walang tigil na pagiisip ng alternative solutions. Sa tax pa lang, gas, pasahod, at marami pa pong ibang expenses, talagang nakakapanikip na po ng dibdib, ang walang tigil na pag ulan pa na sobrang nakakaapekto, pero inilalaban pa rin natin. Bilib po ako sa ating lahat. Magpatuloy lang at darating din ang ginhawa. God bless us all po!