MilkyMoo Burger and Ice Cream

MilkyMoo Burger and Ice Cream Serving you the best ice creams, hamburgers, frappés, and carbonated teas in town! Swing by to grab

12/02/2018

Lodi!!!

10/02/2018

Pinoy Lodi ka talaga"

10/10/2017
10/10/2017
Milkymoo Profile
28/09/2017

Milkymoo Profile

23/09/2017

MAHALAGANG PABATID SA LAHAT!

Warning ng Philvocs sa atin sa lindol na mararanasan sa Metro Manila. May 100 kilometrong fault line na sa kasalukuyan ay nasa Bulacan, Quezon City, Markina, Pasig, Makati, Taguig, Muntinlupa, Rizal, Cavite at Laguna na kung saan ay maaring maranasan ang intensity 7.1 na lindol.

Ang mga ahensiya ng pamahalaan na nag-aaral tungkol sa lindol ay nag-estimate na mahigit 30,000 ay maaring mamatay at mahigit sa 100,000 ay maaring masaktan o masugatan.

Upang mapadali ang paglikas at paggalaw ng mga rescue operation, hinati-hati ng MMDA ang Metro Manila sa apat na cluster:
Norte
- Caloocan
- Valenzuela
- Quezon City
- San Juan
- Mandaluyong
East
- Pasig
- Marikina
West
- Manila
- Malabon
- Navotas
South
- Las Piñas
- Makati
- Muntinlupa
- Parañaque
- Pateros
- Taguig
- Pasay

Bukod sa 4 na quadrants/cluster na binanggit sa itaas, ang MMDA ay nagtalaga rin ng mga operation centers at lugar na pansamantalang pupuntahan ng mga tao para sa evacuation upang madaling magkita-kita ang mga apektadong pamilya.

Para sa quadrant/cluster ng Norte, pumunta sa
- Veterans Memorial Golf Course (malapit Ito sa Trinoma o SM North)
- UP Diliman Quadrangles
Para sa East cluster, pumunta sa
- LRT 2 Santolan Depot
- Marikina Boys Town
- Red Cross Marikina
- Pasig Ultra
Para sa West cluster, pumunta sa
- Intramuros Golf Course
Para sa South Cluster, pumunta sa
- Villamor Air Base Golf Course

Binanggit din ng MMDA na ang mga athletic fields, sports arena at mga parks, simbahan at gyms na matutukoy ng mga lokal na pamahalaan ay maaring gawing sentrong lugar na paglilikasan ng mga tao sa Metro Manila at mga karatig na lungsod at lalawigan. Hinihikayat ang mga LGUs na maglabas na ng talaan ng lugar na paglilikasan sa lalong madaling panahon.

Ang Metro Manila main waterways katulad ng Pasig River ay magsisilbing alternatibong rota o daanan ng mga rescue and relief operation personnel sa sandaling nasira ng lindol ang mga tulay at kalsada.

Ang lahat ay hinihikayat na puntahan ngayon pa lang ang mga lugar na nabanggit na malapit sa inyong tahanan upang maihanda ng maaga at alam na ninyo kung ano ang mas mabilis na daan. Ipaalam sa lahat ng miyembro ng pamilya kung saan kayo magkikita-kita matapos ang lindol sa sandaing wala kayo sa inyong mga tahanan o ang iba ay nasa paaralan at lugar na pinagtatrabahuhan.

Mahalaga ang impormasyon na ito upang mas madali kayong magkita-kita at magsama-samang muli sa sandaling nagkahiwa-hiwalay.

Tandaan, pumunta sa ligtas na lugar at dalhin ang emergency/survival kit para sa 3-5 araw na pangangailangan. Maghanda na ngayon pa lang.

Please forward to as many people as possible. Thanks!

05/10/2016

Address

B16 L1 Lamar Village Brgy Guitnang Bayan San Mateo, Rizal
San Mateo
1850

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MilkyMoo Burger and Ice Cream posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category