06/09/2026
Tinry namin lahat ng paraan para makapag-stay pa, kahit temporary lang, hangga’t hindi pa kami nakakahanap ng bagong pwesto. Inasikaso namin ang mga permits, kumausap kami ng iba’t ibang tao, at ginawa namin lahat ng kaya namin, pero ayaw talaga nila. 🥹
Nakakalungkot lang kasi puro kami estudyante na nagpapatakbo nito. Dito na rin kami kumukuha ng pang-baon at pangbayad sa mga bills. Hindi lang ito basta maliit na negosyo para sa amin, malaking parte na ito ng buhay namin at ng mga pangarap namin.
Pero wala eh, ganun talaga ang buhay. Minsan, kahit gaano mo kamahal at pinaghirapan ang isang bagay, kailangan mo rin itong bitawan at magsimulang muli.
Para sa mga kagaya naming nagsisimula pa lang at nangangarap kahit kapos, tuloy lang. 🤍
Thank you po sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa amin, lalo na sa aming mga customers. Salamat sa lahat ng memories, tiwala, at pagmamahal na binigay ninyo sa Cafe Vellea. 🥹🤍