19/08/2026
PARANG BARANGAY HALL, PERO MAY PAGKAIN AT KAPE.
Apat na taon na ang nakalipas, doon nagsimula ang idea ng Café Lily. Hindi talaga namin ito binuo para maging bread and butter namin, kundi para magkaroon ng lugar para sa pamilya, mga kaibigan, at friends of friends. Gusto namin ng isang reservation café na may pakiramdam ng speakeasy at neighborhood café, yung tipong komportable, tahimik kapag kailangan, pero buhay kapag may kwentuhan. Isang espasyo na parang pangalawang bahay, parang barangay hall, pero may kape at pagkain. Gusto rin namin na maging centro sya ng komunidad para sa mga taong ka-wavelength namin, ka-vibe namin, at may mga pinagdaanan ding katulad ng sa amin. At bilang bahagi ng komunidad, mahalaga rin sa amin ang mga totoong usapin tulad ng maayos na flood control, maayos na sistema, at gobyernong walang korapsyon. Simple lang naman ang gusto namin noon at hanggang ngayon, isang gobyernong tapat, lugar na may masarap na kape, masarap na pagkain, at mga taong totoo.