22/04/2026
Just Like Nelson Madela once said...
โINVICTUSโ โ FPRRD, MAY MENSAHE SA MGA TAGASUPORTA MULA SA ICC
Nagbigay ng update si Kitty Duterte matapos niyang bisitahin ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa detention facility ng International Criminal Court.
Ayon kay Kitty, maayos naman umano ang kalagayan ng dating pangulo at nagkaroon sila ng pagkakataong mag-usap tungkol sa buhay, mga alaala, at mga plano sa hinaharap.
โSo long as heโs okay, Iโm okay.โ
Ibinahagi rin niya na hindi nila gaanong pinag-uusapan ang mga legal developments upang maiwasan ang anumang posibleng pagkadismaya depende sa magiging desisyon ng korte.
Dagdag pa niya, nalulungkot umano ang dating pangulo kapag napag-uusapan ang buhay sa labas dahil nami-miss nito ang pamilya.
Sa kabila nito, sinabi ni Kitty na ipinaabot ng kanyang ama ang personal na pasasalamat sa mga patuloy na sumusuporta sa kanya.
โTell them I said personally, I said thank youโฆ tell them โInvictus.โโ
Ayon pa kay Kitty, araw-araw umano niyang ipinapaabot sa dating pangulo ang dami ng supporters na patuloy na naghihintay at nagdarasal para sa kanya.