24/08/2022
Kasabay ng anunsiyo ng Department of Health na sasailalim na sa Alert Level 1 ang probinsiya ng Occidental Mindoro ay ang pagpapatanggal na rin ng spass sa mga mamamayang bumabyahe papasok sa ating lalawigan.
Dahil sa pagbaba ng ating Alert Level, maluwag na ring pinapayagan ang full capacity para sa mga pampublikong sasakyan.
Pinaaalalahanan naman ang lahat na palaging dalhin ang mga vaccination card bilang patunay na sila ay bakunado at ligtas sa pagbiyahe.
Bagama't bumabalik na sa normal ang ating sitwasyon, maariin pa rin ang paalala ng Pamahalaang Panlalawigan sa responsableng pag-iingat ng bawat isa upang makaiwas sa anumang sakit na nakakahawa.