23/06/2026
AI enhanced na po ito ha! ๐คญ Wala namang mag-oorder ng gayang-gaya nitong picture. Hinanapan pa nga ako ng paa ng customer ko... nasaan daw? ๐คช๐ฆด
Maidugtong ko lang... kung babasahin n'yo, salamat. Kung hindi, eh di don't. โ๏ธ๐
Nakakalungkot talaga kapag may nababasa tayong posts ng mga customers na nadismaya dahil hindi maayos ang dumating na cake o kaya sobrang layo sa kanilang inaasahang outcome. Mas masakit pa kapag espesyal na okasyon ang naapektuhan at imbes na saya ang dala ng cake, stress at disappointment ang naiiwan.
Ang mas nakakalungkot, sa tuwing may ganitong insidente, madalas naaapektuhan ang buong baking community. Dahil sa iilang hindi maayos gumawa o tumupad sa kanilang pangako, nadadamay pati ang mga bakers at cake artists na araw-araw namang nagsisikap maghatid ng dekalidad na produkto at serbisyo.
Sa totoo lang, marami sa mga ganitong sitwasyon ang nagsisimula sa pagpili ng supplier base lamang sa pinakamurang presyo. Wala namang masama sa paghahanap ng budget-friendly na option, pero hindi lahat ng murang offer ay magandang deal.
Kapag nagpapagawa ng customized cake, hindi lang ingredients ang binabayaran. Kasama rin dito ang oras, skill, experience, quality materials, maingat na paggawa, at maayos na handling para makarating ang cake na presentable at worthy sa inyong celebration.
Kaya bago mag-book, silipin muna ang portfolio, reviews, at feedback ng supplier. Huwag agad isipin na lugi kayo kapag may mas mataas nang kaunti ang presyo. Minsan, ang kaunting dagdag na halaga ay kapalit ng quality, reliability, at peace of mind na magiging espesyal ang inyong okasyon.
Choose wisely, because memories last longer than discounts. ๐โจ๐ฉท
At sa mga mapanlamang, nangbu-budol, at walang pakialam sa tiwalang ibinibigay ng customers... ma-zombie sana kayo. ๐งโโ๏ธ๐คญ
Tutal zombie cake naman ang post natin. ๐