01/04/2024
!!!SCAMMER ALERT!!!
Beware of this phone number +639777885658, normal na saamin yung mga order through phone calls and babayadan nalang sa rider, so tumawag sya and nag order ng 20 medium cups (worth 2200) ng mga signature drinks namin
7 na Tiger king
7 na Strawberry Latte
6 na Nutella Hazelnut
Yung address na sinabi nia is sa BFP office ng area namin. So ginawa namin yung order pero tawag ng tawag so nagkahint na ako na parang scam, pero naisip ko naman na baka kc naghahabol ng lunch time. So hinayaan kona but at the back of my mind iniisip ko na paano kapag scam??ok lang cguru since sa BFP korin naman i dedeliver, if nandon OK good, if wala treat kona sakanila, yun ung nasa isip ko. While preparing his order, tumawag ulit nagpapaload ng worth na 600 regular load sa ibang number naman 09945998769 (tinawagan kona and wala daw alam, pero yung unang nakausap ko bosis nya, nakitawag ako sa ibang phone since naka block na mga numbers namin sakanila). Pero hindi ko niload since isip ko is grabi naman masyado kung ibibigay kopa iyon, so pumunta kami ng BFP at gaya ng iniisip ko wala silang order naghintay pa kami doon ng ilang minutes, pero walang nagpakita. Binigay nalang nalang namin sa BFP.
Para sayo mabilis na magSCAM ngayon lalo na given na yung mga details online pero sana lumaban ka ng patas. Ok lang yang trip mo pero wag naman sana sa mga naghahanap buhay ng maayos.
Dahil dito, yung mga regular customers nalang po talaga namin yung mga dedeliveran and pweding mag advance order.