Big Dreams Coffee - San Fabian

Big Dreams Coffee - San Fabian OFFICIAL PARTNER NG REALTALK MILKTEA STATION. MILKTEA AT KAPE SA BUKID

Big Dreams Coffee sa SAN FA We are located at Barangay Angio, Sit-up Expressway

29/07/2022

MR. KUPIDO GUYS SA REALTALK AND BIGDREAMS😍😍😍😍

SARAP MAGKAPE AT MAG FRAPPE LALO REALTALK ANG LASA.SUBUKAN ANG BIG DREAMS COFFEE TODAY!😍😍😍😍
23/06/2022

SARAP MAGKAPE AT MAG FRAPPE LALO REALTALK ANG LASA.

SUBUKAN ANG BIG DREAMS COFFEE TODAY!😍😍😍😍

Bigyan ko kayo ng sample ng Career Path sa Kapwa ko kabataan (feeling bata padin akohahaha) na may gustong marating, not...
16/06/2022

Bigyan ko kayo ng sample ng Career Path sa Kapwa ko kabataan (feeling bata padin akohahaha) na may gustong marating, not only talking about wealth, kasi malayo layo patayo dyan... pero by taking the chances and opportunity sa mga pinangarap nating maging after mag graduate sa Kolehiyo.

Nagtapos ako sa Kursong Hospitality Management.... kasi sabi ko sa sarili ko... di naman ako magaling sa math, science, english ... Nasa section 1 ako pero wala ako sa kalinkingan ng mga nasa honors... iba ang galing talaga... parang sa pagcocolor lang sa art ako magaling... ganun..hahaha. BTW, 3 years pala ako nag stop sa college kasi kapos pa kami, di kayang pagsabayin kami ng Ate ko... so need mag give-way kasi magaling talaga siya, at promise naman na tutulungan ako sa pag-aaral after. At yun nga ang nangyari.

So yun nga balikan natin... nung nasa college ako, naging advantage ko pagiging panganay kasi it motivates me na mag-aral mabuti para di ako komokopya sa kanila... kababaing..hahaha.. Pagdating pala sa college, pantay-pantay ulit...back to zero... walng first honor or what... ang importante ma-expert mo ang field of specialization na nakuha mo para bago ka mag-apply sa work.. hindi ka tanga-tanga or parang pag tinanong hindi ka sasagot na .,..di ko pa sure eh, kung ano gusto ko work... or pano ung work na need sa natapos mo... maraming ganun.. di alam ung tinapos... or kung pano gagamitin.. ung iba maybe dahil akala parang elementary at high school padin na pag napasa mo..owkie na... pero sakin it made me realize na sa college pagdating dun... more effort, pagpopolish sa gusto mong manyari at more management level and skills para mar maketable ang figure mo once na grumaduate ka at maging advantage mo to pag mag-aaply kana..

So un, kung tatanungin nio ko syempre... kasama ako sa mga walang alam...hahahaha.... sinabi ko lang na mas maganda mas ready ka sa college.. hahaha.

So eto na nga, pinakamaganda bago mo suungin ang lahat, napakainam pala na may career adviser ka o mga taong makapagbibigay sayo ng ng tamang diskarte at dilang basta apply kahit saan. Buti Ako nagkaroon ng ganun... actually hanggang ngayon, shineshare ko lahat ng venture ko at nag-uupdate ako lagi sa kanya... so napakainam pala na may mga taong kaya kang e-guide wholeheartedly... like naging 2nd Father ko nadin... at talagang mabibilib ka sa kanya kasi kahit ang taas na ng position nia, he never stop learning.

At yun, nae pattern ako sa isang section ng Hospitality Management which is yung pagiging Receptionist... bakit, kasi nakita ung potential ko sa pagsasalita, paghandle ng problems sa customer at basta, ewan kung ano nakita sakin..hahahaa.. Kasi dati pala, share ko lang nag work ako sa edad na 18 nung mga panahong nag stop ako, kasi gusto ko lang magkapera to sustain myself at wag maging pabigat sa bahay. Kasi di ba pag di ka pabigat, di ka pagagalitan palagi.. kasi may ambag ka..hahahaha. At ang pangarap ko ay makapagwork sa isang sikat na establishment like jolibee, mcdo or mang-inasal... social na sakin un dati ... hahahah... so naging utility crew ako nun, grabe excited ako... proud kasi akalain mo at the age of 18 meron na ko work... so motivated ako... trabaho ko ay magserve sa customer, maglinis ng toilet...oshiiieee..ambaleng tan ambanget....magllinis ng salamain sa labas at loob at marami pang iba basta pagagawa ni manager... so un di pala madali magwork lalo na kung di ka sanay... what i mean is di ganun kaready... so sabi ko, sige... pag nag college ako magpupursige ako para sa susunod na apply ko ng work, medyo level up na ng onti... ung sana sa opisina naman... hahahaha... akala paupo-upo lang sa opisina..hahahahaha.

Balikan natin ulit share ko... ayon... nae training ako noong OJT ko sa pagiging receptionist, pano gamitin ang system ng fidelio, opera , micros at iba pa... may soft and hard skills na para pag na encounter namin mga casualties or issues ng cutomer ay mapahinahon namin sila.... ayun.. so syempre bopakels ako sa english... pero nakakahawa naman ung mga kasama ko na magagaling at syempre, laging pagbabasa at pag aaral... magbubunga din pala basta tyagaan mo ng konti..hahahahah.

Pagkatapos ay binigyan kami ng Exposure sa 5 star hotel at yun na nga di agad receptionist naging work ko kundi Concierge.... social na tawag diba, in other term tagadala ng bagahe, taga bati at tagabukas ng pinto sa guests at iba pa....hahahaha. ui wag ka... nakakaproud sia na work kasi bukod sa privilege na masamahan mo customer till sa room, at malakas talaga ang tipping...hahahahah

Pagkatapos nun, di dun natatapos ang lahat... kailangan pinaghahandaan mo na ung pangarap mo... meaning requirements palang dapat nireready mo na isa-isa.... so napagdesisyunan ko na Receptionist sa Barko ang gusto ko... One shot interview at requirements agad... bakit ? kasi nag ready ako sa mga possible na itanong related sa receptionisyt job.. ganun yun... ganun kkahalaga ang career path... nilelessen nia ung pag aaralan mo kasi ang inexpert mo ang aaplyan mo... especially pag nakapili ka.. depended sa field na gusto mo....

At yun na nga... nakapag barko ako... it never stop there... bakit... kasi andami position na pwede mapasayo pag mas ginalingan mo pa.... napromote ako agad na supervisor in one year kasi nagbida-bida ako...hahahaa.. inaral ko talaga company rules and procedures including Manual not only sa pagiging receptionist kundi sa pagiging best Front Office provider... o ayun... nakitaan ng eagerness, potential at flexibility...hahahah....

Sobrang happy kona syempre, mataas sahod, mas nakakamotivate... pero gusto parin mag grow in other way, ung magamit ko pa utak at ideas ko not limited to front office... so naglevel up ako sa pagiging Trainer and most likely makakawork ko ang mga magagaling na trainers at makakawork ko directly mga High Position onboard... at yun nga nagyari.... na chieve ko nananaman un... sobrang saya na kasama mo sa meeting ang Hotel Manager at iba pang senior management... tas ako pinakabata... ahahahhaa.. lakas maka social..jahahahahaa...

At yun nga sobrang naging busy kami sa work ko bilang trainer sa Soft Skills .... and nakatagal ako sa company na nag-eenjoy... pero syempre di pa dun natatapos ang lahat.... chinallenge ko parin self ko... what if...face the world of landbase....dahil masaya nako sa mga naging achievement ko at pagseserve ko sa company... at un nag resign ako sa work sa barko... umuwi... jobless... hahahaha..kinakabahan kasi syempre pano ang buhay...

Pero isa na nasa isip ko ang pagnenegosyo..kasi madami ako gusto gawin, ideas, na sa company minsan eniignore nila or di pa ayun sa want nila.. pero sa negosyo, pwede kong gawin un kasi passionate ako sa mga ginagawa ko... at dun nga nameet ko ulit isa sa mga trainee ko at nag-usap kami ng masinsinan sa negosyo.... at yun... dun na ulit ako nag start from the scratch... lahat ng world class experience ko... inentegrate ko sa ideas ko at work.... pumatok at patuloy na denedevelop.... at yun nga Buhay na buhay si realtalk sa san fabian... dito lang sa San fabian pero sobrang saya na ng experience. At malay nio kung ano pa ulit ang gusto kong gawin sa buhay ko.... Nag landbase ako kasi gusto ko naman maenjoy ang kalakasan ng parents at mga kapatid ko... makapagbuo ng sariling pamilya at iba pa...

Hindi ko sinasarado ang mga oportunidad... malay nio biglang asa Australia, Japan, Canada nanaman pala next trip ko....

Again, inuulit ko... hindi ito sa padamihan ng pera or anumang yaman... eto ay tinatawag na self satiisfaction... gusto nating maenjoy ang buhay while facing different challenges.... Malaking bagay na may tama kang direksyon, pag nag fail, bumangon wag susuko.... plannuhin ang sarili... gumawa ng short at long term goal.. isulat mo... echeck mo if accomplish na...

May mga pangarap tayo, pero ang pangarap at gusto di nauubos... once we achieve something, we have to continously develop to make it sustainable... sumugal tayo pero maging matalino... diskartehan ang buhay at maging matagumpay sa lahat ng ginagawa...

So from pagiging estudyante, waiter, concierge, receptionist, front office supervisor, Hotel Trainer and Now server ng Milktea.

Kung worth to share ito, share mo..hahahahhaa...

Salamat sa patuloy na pagtangkilik sa aming produkto...

02/06/2022

Address

San Fabian
2433

Opening Hours

Monday 9am - 9pm
Tuesday 9am - 9pm
Wednesday 9am - 9pm
Thursday 9am - 9pm
Friday 9am - 9pm
Saturday 9am - 9pm
Sunday 9am - 9pm

Telephone

+639982918218

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Big Dreams Coffee - San Fabian posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Big Dreams Coffee - San Fabian:

Share

Category