03/04/2022
Magandang buhay mga ka Cold brew! Ako po at ang aking mahal na kapatid/kaibigan ay lubos na nagpapasalamat dahil sa inyong walang humpay na suporta mula't sa pul ng aming pagtatayo at simula ng aming mumunting negosyo. Ang aming puso ay naguumapaw sa saya dahil sa inyong magagandang komento at suhestyon.
Ngayong araw na ito, amin pong inaanunsyo na ang Cold Brew by G&C Coffee and Cakes ay OPISYAL na naming isinasara. Malungkot man pong isipin ngunit kailangan dahil sa paglisan at pagpunta na ng aking mahal na kapatid sa langit.
Muli, kami ay nagpapasalamat na kahit sa mumunting panahon ng aming serbisyo ay kami ay inyong tinangkilik. MARAMING MARAMING SALAMAT PO!
COLD BREW by G&C Coffee and Cakes officially signing off!
PADAYON! Kampay! 🍻