15/08/2025
Anlayo na pala natin no? Matagal na pala simula nung nag-umpisa tayo. Kapag naaalala ko kung pano nag-simula lahat, Grabe din pala talaga pinagdaanan natin.
Nagsimula sa maliit na pwesto, Kahoy na lamesa, trapal na bubong, nagka-pwesto sa foodpark, naka ipon ng konti naka pundar ng mga ilang gamit sa pagluluto, hanggang nagsara ang foodpark, bumalik ulit sa maliit na pwesto tapos nagsimula ulit, naka pundar ng tent, nakabili ng isang lamesa, nakabili ulit ng isang lamesa, naging dalawa ang tent, nagkaroon ng maraming costumer, hanggang nagsara ulit dahil sa di magandang kalusugan. pero pagtapos nun muli bumallik ng mas malakas at punong puno ng mga idea, nakabili ng foodcart sumubok magtinda sa mga eskwelahan kaso di para sakin eh. bumalik sa maliit na pwesto, tuloy tuloy hanggang makakuha ng mas malaking pwesto. na-vlog ng sikat na vlogger, nagkaroon ng maraming costumer lumakas benta, tumumal, lumakas ulit benta, sumubok mag 2nd stall sa riverside kaso nanakawan agad unang araw palang, balik ulit sa pwesto at eto tuloy tuloy parin. lumalaban sa hamon buhay ng nagnenegosyo.
Nakaka-tuwang isipin na anlayo na natin, halos lahat naman ata nagsimula sa maliit tapos unti-unting lumalaki. TRUST THE PROCESS ika nga nila. wag ka lang basta go with the flow kilusan mo din. kasi patay na isda lang ang sumasabay sa agos. nakuha mo!
MARAMING SALAMAT sa lahat ng sumuporta at patuloy na sumusuporta! Wala kami dito kundi din naman dahil sainyo kaya I'm Labyu ol Ahahaha
ORDER NA KAYO GUYS, TAMANG DRAMA SI BOSS BAN NAGRE-RELAPSE OHH AHAHHAHAHA
OPEN KAMI TODAY 10AM TILL SOLD OUT
MARAMING SALAMAT KA-PASTILAN 💛