09/06/2025
Idolo ❤️
OO, LIBRE SA LAHAT! 💪😎👌
Lahat ng mga inilabas ko, libre lang na kopyahin nyo ~ Walang credit credit, walang CTTO, walang copy copy right!
Mamamatay na ako...
Maaaring bukas o pag lipas pa ng tatlong pung taon ~ Mamamatay na ako.
Ayokong dalhin sa hukay lahat ng mga karunungang ito ng hindi ninyo napapakinabangan.
Tulad ng hangin na libreng hinihinga.
Tulad ng araw na libreng nadarama.
Tulad ng mga propeta at mga bayaning nag ambag ng malaki sa mga kamalayan ng mga tao ng HINDI PINABAYARAN ANG MGA LAMAN NG PUSO AT KALULUWA...
Na ang mga iba e namatay ng mahirap at walang wala.
Oo, libre sa lahat!
Ako ng bahala kung saan kukuha ng pang tustos at pambayad.
Kahit hindi ako kilalanin ayos lang...
Kahit hindi na ako maalala ayos lang...
Kahit kalimutan na ako ayos lang...
Parang amang nagmamalasakit na pati buhay ibibigay, makita lang na maayos ang kalagayan at kinabukasan ninyo mga anak.
Oo, libre sa lahat!
Ang hiling ko lang: Mag aral ka ng husto at magpakatalino...
Malapit na ang panahon ng kabagabagan...
Isama mo nalang ako sa panalangin mo.
Ung talino mo ang magliligtas sayo sa kahirapan anak ko...
Pag pumanaw na ako.
Mata sa langit, paa sa lupa, huwag kang magmamataas kailanman.
Para sa Dios at Pilipinas, hanggang kamatayan.