07/02/2026
Kwento mo to ❤️ Ano'ng kwentong Hungry Bar mo/nyo? Ikwento mo na yan sa Real Municipal Tourism Office post at kapag napili ka, may free chicken wings bilao ka samin bukod sa premyo mo 👍
𝐅𝐞𝐛𝐈𝐛𝐢𝐠 𝐒𝐞𝐚𝐬𝐨𝐧 𝐧𝐚! 𝐈𝐛𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐲𝐨𝐧𝐠/𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐑𝐞𝐚𝐥𝐅𝐞𝐛𝐈𝐛𝐢𝐠𝐒𝐭𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬!
Samahan n'yo kami sa aming pakilig, ang Valentine's Day Photo Challenge "𝐑𝐞𝐚𝐥𝐅𝐞𝐛𝐈𝐛𝐢𝐠𝐒𝐭𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬: 𝐖𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐬 𝐀𝐝𝐯𝐞𝐧𝐭𝐮𝐫𝐞"!
𝐁𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐮𝐧𝐭𝐮𝐧𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐚𝐥𝐚𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐫𝐨:
• Magsisimula ang larong ito ngayong araw hanggang sa a ika-14 ng Pebrero ng 5:00PM. May oras ka pa para mag-mention at magparami ng heart reacts sa iyong/inyong entry
• Bukas para sa lahat ng Realeño at mga turista — single, solo travelers, magjowa, pamilya, at barkada
• Dito sa aming opisyal na poster, mag-comment ng larawan mo/ninyo sa isa sa mga lokal na atraksyon o establisimyento sa Bayan ng Real
• Kasama ng larawan, i-comment mo/n'yo rin ang istorya ng larawang iyon, kung paano iyon naging bahagi ng iyong/inyong buhay, at paano nito mas napatatag at napalalim ang iyong/inyong pagsasamahan
• Kasama ng larawan at caption, mag-mention ng tatlong (3) kaibigan. Siguraduhing ikaw at ang iyong mga na-mention ay follower ng aming page
• Gamitin din sa bandang huli ang ating opisyal na hashtags:
• Maaari kang mag-mention pa ng ibang tao para mag-heart react sa iyong comment/entry
• Ang comment na may pinakamaraming heart reacts ay ang siyang tatanghaling panalo na makakatanggap ng souvenirs at vouchers mula sa lokal na establisimyento sa Bayan ng Real para mas maging espesyal ang iyong/inyong selebrasyon
Kaya kung gusto mong mas lalong maging espesyal ang selebrasyon mo/n'yo ng Valentine's Day kasama ang iyong sarili, kaibigan, jowa, at pamilya, aba'y sumali ka na!
-