29/06/2024
The party's not over!
Head to QCMC tomorrow for the Pride continuation event. ๐โจ
See you there & remember to stay hydrated with RV's Buko ๐ด๐ฅฅ
Happy Equality Day!
Ngayong darating na linggo, June 30, 2024, mula 4PM hanggang 8PM, LoveLaban tayong muli para tapusin ang ating nasimulan, at gamiting simula ang ating mga napagtagumpayan para sa mas malaking laban para sa .
Kasama ang Quezon City government at ating mga partner organizations, barangay Pride councils, sponsors, performers, at mga indibidwal na nagnanais na makilahok at makiisa, muli nating isisigaw ang ating panawagan para sa pantay na karapatan.
Taos pusong pasasalamat sa lahat ng mga nakiisa sa ating panawagan mula noon hanggang ngayon dahil patuloy tayong mas lumalaki at lumalakas. Buo ang ating loob na tapusin ang buwan na ito dala ang mas pinalakas nating pwersa sa paniningil ng ating mga karapatan.
Makakaasa tayong mas ligtas, mas maayos, at mas masaya ang pagtitipon natin ngayong darating na linggo bilang patunay ng ating pakikinig.
Umulan man o umaraw, lalaban tayo para sa pagkakapantay-pantay! See you!