20/05/2021
Naaalala nyo ba ito?
Binisita ko ang lugar na ito upang mag linis.
At ito ang napansin kong malaking pagbabago sa aming tinuturing na ikalawang bahay noon.
Akalain mo noon, Napakaingay at sari saring baho ang maamoy mo. May sumisigaw at may tumatawa, may tumatae sa upuan, umiiyak sa asar, may pikon na nag susuntukan. Sobrang daming memories ng Pagkakaibigan at Thrashtalkan ang na buo sa Silid na ito. Ngunit ngayun, Napakatahimik at Wala ng ingay tulad ng dati. Wala ng Oras sa Arua, cf, Dota, ros, at kung anu anu pa. Dahil siguro bawat isa sa atin ngayun unti unti ng hinaharap ang tunay na Laro ng Buhay.
Ganun pa man, Maraming Salamat sa inyo.