13/03/2026
May Moral lesson naman yung kwento tungkol sa FIL niyang maiksi ang pasensya. Iyon nga lang bakit may biglang may pa-promo ang Resto? Hahaha ibang klaseng plot twist iyan. - Editor Rusty
BINATO SAKIN NG FATHER IN LAW KO ANG BILL NG RESTAURANT DAHIL PINAGTANGGOL KO LANG NAMAN ANG ASAWA KO SA KANYA....
Hi Ambenture.
You can call me U, 34 years old at Supervisor ako dito sa Makati. Married na rin ako sa pinakamagandang babae sa balat ng lupa, let's call her S.
Bagong kasal lang kami last January. Simple life lang kami trabaho, bahay, konting travel pag may budget. May isang tao lang sa family niya na hindi ko pa nakikilala nang personal.
Ang tatay niya. Dahil noong wedding namin wala siya sa Pilipinas.
Nasa Australia siya noon nagtatrabaho. Matagal na ring hiwalay ang parents ni S, kaya lumaki siya mostly sa side ng nanay niya.
Sa mga kwento ng asawa ko about sa Papa niya, hindi naman daw siya masamang tao pero hindi rin siya madaling pakisamahan.
Madalas daw siyang matalas magsalita. Yung tipong kahit hindi ka sinisigawan, parang may kasamang insulto bawat sentence.
Kaya noong sinabi sakin ng asawa ko na.
“Love, uuwi si Papa dito sa Pilipinas. Gusto niyang makipag-meet at makipag-dinner satin before siya bumiyahe papuntang Zambales.”
(From Zambales kasi ang side ng Father ng asawa ko)
Medyo nakaramdam din ako ng konting kaba at excitement.
Pero sabi ko nalang,
“Okay. Finally mami-meet ko na ang Father in law ko.”
Dumating yung araw ng flight niya pauwi dito sa Pilipinas at nagkita kami sa isang restaurant sa MOA. May walo na kasama ang father in law ko nung dumating na kami sa restaurant.
Bagong family niya ata yun dahil narinig ko yung isa dun tinawag siyang Daddy.
Paglapit namin, tumayo siya agad.
“So ikaw si U, ang asawa ng anak ko.”
“Yes sir,” sabi ko sabay abot ng kamay.
Kinamayan niya lang ako. Yung handshake niya parang checking kung matibay ba ako o hindi. Then umupo na kami.
Nag-order ng food and drinks.
Habang kumakain pa kami, small talks lang tanong tungkol sa trabaho ko. Tanong tungkol sa buhay namin ni S.
Napansin ko lang na yung way ng pananalita sa anak niya. Hindi siya sumisigaw pero nakakainsulto bawat linya.
Halimbawa, nagkwento si S tungkol sa maliit niyang online business.
Sabi niya agad,
“Online Business? Hindi ka naman marunong niyan e.”
Ngumiti nalang si S. Pero alam kong nasaktan siya.
Maya maya nagkwento naman siya na balak naming mag-travel next year.
Biglang sumingit ulit yung father-in-law ko.
“Travel? Mag-ipon muna kayo. Hindi yung gala ng gala.”
Hindi ko alam kung concern ba yun o passive-aggressive na pangmamaliit. Pinigilan ko ang sarili ko kasi respeto parin.
Ayokong masira ang unang meeting namin.
Natapos ang dinner, tinawag ko na yung waiter para sa bill.
Dumating ang bill at biglang sinabi ng father-in-law ko,
“Ako na magbabayad.”
Tumango ako.
“Thank you po, sir.”
Habang inaayos ng waiter ang bill, tinawag ng asawa ko yung isang staff.
“Excuse me kuya, pwede po bang ipa-box yung leftover pasta ko?”
Normal lang na request.
Pero biglang sumingit ang tatay niya.
“Ano pa gagawin mo diyan sa leftover?”
“Sayang naman kasi.” Sabi ng asawa ko.
Sumagot siya agad.
“Ilalagay mo lang yan sa ref tapos mabubulok. Hindi mo naman yan kakainin.”
“Ganyan ka talaga. Order ka ng order hindi mo naman pala mauubos.”
Pagkarinig ko yung mga words na binitawan niya sa asawa ko, nainis na ako sa father in law ko.
Kaya sinabi ko nang mahinahon,
“Sir… hindi naman po yung ref niyo ang gagamitin niya. Hayaan niyo nalang po.”
Biglang tumahimik ang mesa at dahan-dahan siyang napatingin sa akin.
Tingin na parang sinubukan ko siyang hamunin.
“Don’t act like you know my daughter better than I do.”
“Mind your place. I’m still her father.”
Sagot ko.,
“Then please don’t talk to my wife like that.”
“If protecting my wife offends you, then so be it.”
Two seconds na silence sa table namin at bigla niyang ibinato ang bill folder sa harap ko.
Malakas ang tunog sa mesa.
“FINE! IKAW NA MAGBAYAD! TUTAL NAGMAMARUNONG KA!”
Tapos tumayo siya at naglakad palabas ng restaurant na parang galit na galit.
Yung ibang customers napatingin na rin sa mesa namin.
Napabuntong-hininga ang asawa ko.
“Dapat hindi mo nalang pinatulan si Papa.”
Napakamot ako sa ulo.
“Hindi ko siya pinatulan. Pinagtanggol lang kita.”
Ako na ang nagbayad sa bill para matapos na ang eksena. Habang hinihintay ko yung receipt medyo naiinis narin ako dahil 15mins na wala parin yung waiter na kumuha ng card ko.
Lumapit ako sa isang waiter.
“Kuya, pwede bang makuha na yung receipt at yung card ko? May naghihintay kasi sa labas.”
“Sir sandali lang po. Tatawagin lang po namin ang manager.”
Napaisip ako. Manager? Para saan?
Pagdating ng manager, may hawak siyang maliit na envelope.
Ngumiti siya.
“Sir congratulations po.”
“Para saan po?” Sabi ko.
Sabi niya,
“Sir may promo po kasi kami ngayon. Every bill is a winner. Usually free dessert o free appetizer lang po ang napapanalunan.”
Huminto siya sandali.
“Pero sir… kayo po ang nanalo ng grand prize.”
Lalo akong naguluhan.
“Ano pong prize?”
Ngumiti siya.
“Two roundtrip tickets to Boracay with three days hotel accommodation.”
Napatingin ako sa resibo, 13,700 ang binayaran ko.
Sabi niya ulit,
“Kung sino po ang nagbayad ng bill… siya po ang winner.”
Nanalo talaga ako ng Boracay trip at tamang tama yun para samin ng asawa ko.
Paglabas namin ng restaurant, nandun ang father-in-law ko sa labas.
Nakasandal at mukhang galit pa rin.
Lumapit ako sa kanya.
Inabot ko yung resibo.
Sabi ko,
“Sir… salamat po sa dinner.”
Huminto ako sandali.
“Buti nalang po… hindi kayo ang nagbayad.”
“Kasi kung hindi kayo nag-walkout na parang batang nagta-tantrums…”
kayo sana ang nanalo ng trip sa Boracay.
“Sir, funny thing about tonight noh. Kayo ang nag-offer magbayad. Kayo rin ang nagalit. Kayo rin ang nag-walkout. At sa dulo… kayo rin ang nawalan ng Boracay trip. Minsan talaga, karma doesn’t shout… it just waits for you to leave the table.”
Kitang-kita ko sa mukha niya na parang nag-shift yung aura niya mula sa galit… papuntang realization.
Nagpaalam na kami at tumalikod para umalis.
Salamat sa pag-walkout niya. Kasi kung hindi niya ginawa yun, hindi ako ang magbabayad… at hindi ako ang mananalo ng Boracay trip.
Turns out my father in law's temper just sponsored our vacation.