13/03/2022
FAQ
Q: Ano naman ang mapapala ko dyan?
A: Sigurado at garantisado na kikita ka ng P50.00 kada kilo ng longganisa na maibebenta mo o higit pa.
Q: Wala akong ref na lagayan ng longganisa kung sakali na magbebenta ako dito sa amin, pano yan?
A: No worries, i-text or i-PM lang sa amin ang pangalan, address, contact number at bilang ng order ng iyong customer at kami na ang magpapa-book para maipadala ang produkto. Same day delivery.
Q: Ano ang sasabihin ko kapag may nagtanong kung anong klaseng longganisa ang binebenta ko? At magkano?
A: Cagayan garlic longganisa, de recado. Mabawang at pwede panlaban sa aswang. Lokal pork meat na fresh lagi ang ginigiling at tinitimplahan ng mga natural na sangkap na sinisilid sa presko na hog casing. Walang preserbatib maliban sa s**a at asin. Wala ring extenders at additives. Sa presyo naman, 400 per kilo pag original flavor, 420 naman pag spicy flavor.
Q: May free taste?
A: Yes ka-marites, may libreng longganisa para sa mga resellers ng sa ganun ay may idea kayo tuwing may magtanong pagdating sa lasa.
Q: Pag may naibenta ako ngayong araw, makukuha ko rin ba agad ang aking kita at paano?
A: Yes po tolits, pwede kaliwaan or via Gcash at pera padala outlets na available sa inyong lugar.
Q: Kailan naman ako puwede magsimula kung sakali?
A: Ngayon po