01/10/2025
Pabatid sa aming mga suki at kliyente:
Ipinapaalam po namin na ang dati naming driver na si Jedia Manzanillo ay hindi na konektado sa aming tubigan simula Setyembre 26, 2025.
Kung sakali man pong siya ay magtungo sa inyo at gagamitin ang pangalan ng aming tubigan upang maningil o magsagawa ng anumang transaksyon, ito po ay hindi kikilalanin at wala nang kaugnayan sa aming operasyon.
Para po sa inyong katiyakan, lahat ng opisyal na transaksyon ay isinasagawa lamang ng aming kasalukuyang staff at sa pamamagitan ng aming itinalagang proseso.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala at suporta. π