Deecaffeinated

Deecaffeinated Written for souls in need of saving. I write for Jesus alone. Here I share my faith, my journey, and lessons from life.

Tulad ni Ryan Bang: Gusto kita, Pero pipiliin ko munang ayosin ang sarili ko. To the woman I admire from afar. At kung d...
03/09/2026

Tulad ni Ryan Bang: Gusto kita, Pero pipiliin ko munang ayosin ang sarili ko.

To the woman I admire from afar.

At kung dumating man ang oras na habang inaayos ko ang sarili ko at makahanap ka ng iba, alam na ni Lord, yon dahil sinasabi ko ang tungkol sayo alam Niya na ako ang unang magiging masaya para sayo sa araw na yon.

No Hate.
No Jealousy.
No Regrets.

Just a man watching and admiring you from afar happy simply for your happiness.

Gusto kita matagal na,kaso hindi pa tamang oras.
Gusto kita at alam ko sa sarili ko na ikaw na noon palang.
Gusto kita pero ayaw kong maging pabigat sayo.
Gusto kita kasabay non ang ibigay ang the best ko para sayo.

๐Ÿ“I do like you but I don't want to pursue you and love you with my emptiness.

I do like you. But I love my calling and
my healing more right now.

I like you too much to love you wrong.
I like you too much to let you carry the weight of my unhealed life.

I'd rather be alone with God and healed, than be with you while I'm still broken.

Not because I'm selfish dahil gusto kung "ayusin ko muna sarili ko"
For me that's actually stewardship of your heart, and of what God wants to do through US.

Kung ako lang gusto ko na ang ligawan ka at makasama ka.
Kung ako lang gusto ko rin makisabay sa iba.
Kung ako lang nakakapressure na mag isa kaya ipipilit ko na.
Kung ako lang ang mindset ko magiging "Pwedi na to wala namang perpektong Relasyon"

๐Ÿ“Pero ang totoo walang perpekto pero pweding maging maayos kung si Cristo ang magiging pundasyon nito.

When i gave my life to Christ, everything changes.

Now God, is teaching me that love isn't about finding someone to complete me.
It's about pursuing Him first and the two whole people choosing each other with God at the center.

Dahil ayokong magmahal ka ng taong galing sa sugat.
Magiging insecure.
Hahanap ka ng validation.
Hahanap ng assurance.
Magiging issue ang Finances.
Magiging issue ang Past.

Ayokong maranasan mo yon sa akin.

Gusto kong maging taong mahal mo na walang kang ibang hahanapin na dahil alam mo na ang Diyos, ang humubog sa taong ito

Right now i just want to embrace the messy part of healing and His rebuilding Kaya ngayon, pinipili kong dumugo muna mag-isa sa pag aayos ni Niya sa akin.

๐Ÿ“Healing isn't delay. It's preparation

I refuse to drag you into my unfinished healing.

So I'm choosing the altar over the attention.
The process over the person.
The promise over the pressure.

I could have you now.
But I want the version of me that built by God when no one is watching.

I want the love that doesn't panic.
The love that doesn't perform.

The love that comes from two people who were whole before they met.

This is reverence.
Reverence for you.
Reverence for me.
Reverence for what God could do with us.

๐Ÿ“Alam kong hindi mo hinahangad ang perpektong lalake sa buhay mo pero gusto kung mapunta sa buhay mo ang isang maayos na lalake.

If it's really from God, it will wait.
And if it's really from God, it will be better than I imagined.

TULAD NI RYAN BANG

UNA PALANG GUSTO NA KITA PERO PIPILIIN KO MUNA ANG AYOSIN ANG SARILI KO.

Love does not keep a record of wrongs
1 Corinthians 13:4-7

Romans 8:28
"And we know that in all things God works for the good..."

Psalm 37:4
"Delight yourself in the Lord, and He will give you the desires of your heart."

๐—Ÿ๐˜‚๐—บ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ถ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฎ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด๐—ผ 1 John 1:6-7"If we claim to have fellowship with him and yet walk in the darkne...
27/08/2026

๐—Ÿ๐˜‚๐—บ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ถ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฎ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด๐—ผ

1 John 1:6-7
"If we claim to have fellowship with him and yet walk in the darkness, we lie and do not live out the truth. But if we walk in the light, as he is in the light, we have fellowship with one another, and the blood of Jesus, his Son, purifies us from all sin."

Alam mo ba kung bakit nakakaramdam tayo ng takot, pag-aalala, kapag may tinatago tayo? Yung pilit mong binabalewala pero tuwing gabi, o mag-isa ka bumabalik ang konsensya mo.

Itโ€™s heavy, isnโ€™t it?

Dahil yan kapag hinahayaan mo na lang ang kasalanan sa sarili mo, sa buhay mo.
akala mo okay lang Pero deep down?
Parang may laging nakatingin.
Parang kang laging balisa ka.
Parang lumiliit ang mundo mo dahil umiiwas ka ng makisama sa iba.

Kasi kapag tinotolerate mo ang kasalanan, unti-unting nawawala ang peace mo.
Nagiging paranoid kana sa paligid mo
laging nag-aalala na baka mahuli ka o lagi kang nag aalala na baka malaman ng iba.
Paranoid kana sa paligid mo feeling mo huhusgahan ka ng lahat tao sa paligid mo.

You become guarded, constantly anxious, always looking over your shoulder not because someone is watching you, but because you know Someone is watching your heart.(Lord)

Hindi ka na makatulog nang mahimbing. Hindi ka na makatayo nang may paninindigan.
Kasi alam ng puso mo may mali,at may tinatago ka.

Apektado na ang ministry mo.
Apektado ang pag sunod mo sa Diyos.
Nag uumpisa ka ng magduda sa calling mo,feeling mo hindi ka na worthy, feeling mo hindi kana effective servant.

Hanggang sa gusto mo nalang umalis at i-deal ng mag isa ang kasalanan mo.

๐Ÿ“It makes you paranoid because your own spirit knows something is wrong.

Akala mo kapag umiwas at inayos mag isa magiging okay na.

Sin never stays small, it grows.

Pero ang totoo ang kasalanang tinotolerate, hindi nawawala.
Lalo lang itong nagpapabigat, nagpapahina, at nagpapakaba sayo araw-araw.

๐Ÿ“Sin that is tolerated is sin that is never repented And unrepentant sin creates a quiet, constant paranoia in the soul.

Tolerating sin doesn't make you free it because the Holy Spirit within you will never stop convicting you of what you keep excusing.

๐Ÿ“The more you tolerate it, the louder the conviction becomes.

But God, is reminding us Ang pagka Paranoid na nararamdaman mo kapag tinotolerate mo ang kasalanan hindi iyon para saktan ka ng Diyos.
Ito ay paalala at calling Niya na hindi ka pa rin Niya binibitawan, sinusukuan dahil umaasa pa ang Lord, na maisusuko mo at makakabalik pa ang dating Apoy mo.

Your conscience continues to speak because God still wants to guide you back to the right path.

๐Ÿ“What you hide controls you.
What you confess, forgives you and then your free.

Proverbs 28:13
"Whoever conceals their sins does not prosper, but the one who confesses and renounces them finds mercy."

Isaiah 59:2
"But your iniquities have separated you from your God; your sins have hidden his face from you, so that he will not hear."

THIS IS A REMINDER AND REBUKE FOR ALL WORKING CHRISTIANS.. HUWAG KANG SIP-SIP SA BOSS MO! ๐Ÿ“God sees what your boss does ...
08/08/2026

THIS IS A REMINDER AND REBUKE FOR ALL WORKING CHRISTIANS..

HUWAG KANG SIP-SIP SA BOSS MO!

๐Ÿ“God sees what your boss does not. And God rewards what no human eye can see.

Kapag binabasa natin ang kwento ni David, madalas tayo kay David, kay Saul, o kay Jonathan nakatingin.

Pero may dalawang pangalan na minsan lang nabanggit pero ang bigat ng aral na iniwan nila sa akin Si Ahimelec at si Doeg na Edomita.

(As a Working Christian)
"Submit to your Earthly Master/Boss"
(Magpasakop ka pero wag kang Sip-sip)

Doon ko naintindihan, Huwag kang maging "sip-sip" o sunud-sunuran lang para lang magustuhan ka ng tao, umangat, o makakuha ng pabor.

Akala natin minsan, ang paggawa ng gusto ng nakakataas sa atin o Earthly Master natin kahit mali, o ang pagtatraydor o pala sumbong sa Boss pa ipahamak ang kapwa ay para lang sumaya sila at magustuhan ka nila, yung feeling mo kapag Sumip-sip ka sa kanya angat kana sa lahat, siya na ang daan para sa tagumpay ka.

Pero mali....

If you are a Christian at napapaligiran ka ng mga unbeliever, iwasan mo ang maging sip-sip o palasumbong๐Ÿคฆ๐Ÿปโ€โ™‚๏ธ

As a Christian maging example tayo sa trabaho natin, hindi dapat sa atin mag mula ang paninira, pang cchismis, pagiging sip-sip, o pala sumbong at pandaraya sa trabaho.

We must worship God, in our work place.
Sa paanong paraan? Be the example. Let your work and your character worship God.

๐Ÿ“ We were created to please God, not people.

Yung kwento ni Ahelmelec at Doeg nag turo sa akin na be like Ahemelec and don't be like Doeg.

Si Ahemelec (High Priest) siya, naglilingkod siya sa Diyos, sa panahon ng paghahari ni Saul, same with Doeg, siya naman ay isang pastol at pinagkakatiwalaan ni Saul sa mga tao at hayop.

Pareho silang naglilingkod sa panahon ni Haring Saul, si Ahemelec masayang nag sserve sa Diyos, kasama pa abg 85 na na Pari.
Si Doeg naman masaya rin sa pagpapastol niya pero sa likod nito may ninanais pa ang puso niya.

Bakit hindi natin dapat tuluran si Doeg? Ang Sip-sip na edomita.

Saan naging SIP-SIP si Doeg?
(1 Samuel 22:9โ€“19)
Nung nakita niya tinulungan ni Ahemelec si David, binigayan ito ni Ahemelec ng Tinapay at Espada ni goliat at pinag Pray niya pa ito.
Agad tumungo si Doeg kay haring Saul para isumbong ang nakita niya.

Samantalang si Ahemelec? ginawa pa rin niya tama,at nakakalugod sa Diyos,
Tinulungan niya si David dahil iyon ang nararapat sa mata ng Diyos.

Agad pinatawag ni Saul si Ahemelec upang I-confirm kung totoo ba ang ginawa niya,buong tapat inamin ito ni Ahemelec sa harap ng hari kaya inutusan ni Saul ang kawal upang patayin si Ahemelec at ang 85 na mga pari pa.
Pero tumanggi ito dahil takot silang galawin ang mga Lingkod ng Diyos, and here goes Doeg na Sip-sip hindi na niya inantay na sabihan pa siya na ang gumawa nito para lang sa ikakatuwa ng Hari.

Dahil sa ginawang ito ni Doeg, Nawala ang buhay ni Ahemelec sa kamay din ni Doegโ€ฆ pero nanatiling tapat si Ahemelec sa Diyos. At ang pangalan niya ay nananatili sa Kasulatan bilang halimbawa ng katapatan.

Si Doeg naman na Sip-Sip wala ring napala. He disappears from the story. He is never mentioned again. He gained earthly favor for a moment but lost eternity.

Doeg gained Saul's favor but lost God's presence.
He is remembered forever in Scripture not as a hero, but as the one who loved evil.

Kung Sip-Sip ka tulad ni Doeg, makikilala ka sa workplace mo bilang isang taong masama.

๐Ÿ“Mas mahalaga kung sino tayo sa Diyos, kaysa sa kung sino tayo para sa tao

Ang tunay na pag-angat ay hindi galing sa pagpapasikat o pagpapalugod sa tao ito ay galing sa pananatiling tapat sa Diyos, kahit mahirap, kahit walang nakakakita, kahit walang pumapansin.

If you are the only Christian in your workplace maging tapat ka at gawin ang tama para sa Diyos hindi para sa boss mo, maaaring ngayon parang ikaw ang talo dahil hindi ka sumabay sa agos nila.
Maaaring parang sila ang nauuna dahil marunong silang makisama kahit mali sa gusto ng iba.

Pero tandaan mo, Ang pabor ng tao ay panandalian lang pero ang pagpapala ng Diyos ay pangmatagalan.

Huwag kang matakot na hindi ka magustuhan ng iba, bastaโ€™t alam mong natutuwa ang Diyos sa ginagawa mo.

๐Ÿ“It is better to lose the favor of people and keep your standing with God, than to gain the praise of the world and lose your soul.

After the tragedy hindi natin alam kung ano ang nangyari kay Doeg, pero at the end of the day, the approval of your boss is temporary. But what you did for God, God remembers forever.

"We must obey God rather than men!"
-Acts 5:29

"Am I now trying to win the approval of human beings, or of God? Or am I trying to please people? If I were still trying to please people, I would not be a servant of Christ." -Galatians 1:10

"Whatever you do, work at it with all your heart, as working for the Lord, not for human masters." -Colossians 3:23

๐Ÿ“Promotion comes from God, not from the people in high places.

๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—น๐—ฎ๐˜€๐˜ ๐˜๐—ถ๐—บ๐—ฒ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ ๐—ธ๐—ผ ๐—ฒ๐—บ๐—ผ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ž๐—ผ, ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฑ๐—ฎ๐—บ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ธ๐—ผ ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ.Trending ito ngayon for those wh...
02/08/2026

๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—น๐—ฎ๐˜€๐˜ ๐˜๐—ถ๐—บ๐—ฒ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ ๐—ธ๐—ผ ๐—ฒ๐—บ๐—ผ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ž๐—ผ, ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฑ๐—ฎ๐—บ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ธ๐—ผ ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ.

Trending ito ngayon for those who boldly shared about their struggles,but end up disappointed by the people they trusted.

Alam mo yung pakiramdam na pagkatapos mong ibuhos lahat yung mga takot, sugat, at bigat na matagal mo nang itinatago bigla mong sasabihin sa sarili mo.
"Sana pala hindi ko na lang sinabi."
"Kaya ko nga sinabi para mabawasan ang bigat pero nasaktan lang ako"

I use to feel this feeling sa tuwing nag oopened ako sa mga taong malapit sa akin, And even now that I am a Christian, I still feel it sometimes.

Kapag nag oopened ako sa Pastor ko.
Kapag nag oopened ako sa Leader ko.
Kapag nag oopened ako sa Brother and Sister in Christ ko.

Nararamdaman ko parin na
"Sana pala hindi ko na inopen sa kanya"

Nagalit ba ako? Nainis ba ako?
Yes! Hindi dahil mali silaโ€ฆ kundi dahil pumunta ako para maghanap ng kakampi, hindi ng katotohanan.

Why did it end in disappointment?

Dahil gusto ko feelings ko pa rin ang masunod.
Gusto sang ayonan ako sa gusto kong mangyari kahit na mali ako.
Gusto ko tama pa rin ako.
Gusto may peace akong makukuha sa mga ireresponse nila sa akin.
I wanted them to follow my will.

Yun naman talaga ang reason bakit tayo nagagalit dahil ang gusto natin ay yung sagot na magpapagaan sa atin pero hindi makakatulong sa atin.

Kapag sinang ayonan ka hindi naman talaga gumaan ang buhay mo dahil wala naman talaga apekto ito sa dinadala mo. NA TOLERATE KALANG NILA! Sandaling naging masaya ka pero kapag mag-isa kana mabigat na ulit.

Tinitiis lang nila ang mali mo, pinapalubag-loob ka lang sandali. Masaya ka nga sa oras na yon, pero kapag nag-iisa ka na babalik na ulit.

Having someone na willing makinig is a big help.

Nakakagaan naman talaga ng feelings kapag shini-share mo yung mga nagpapabigat sayo, But if you come expecting sweet words, approval, or the answer you want you will always be disappointed.

Kung nag open ka dahil gusto mo umayon lang sila sayo uuwe kang mabigat at gutom ang puso mo.

Uuwe kalang na may hinahanap pa rin na sagot.
Uuwe ka paring kulang.

Lahat naman kayang magbigay ng magagandang advises sayo pero hindi lahat kaya kang iwanan ng salitang magtutuwid sa daan mo.

Some of them can give you powerful advice, but leave you empty-hearted kaya disappointed.

Kaya dapat piliin mo ang sasabihan mo.

Yung hindi ka huhusgan pero sasamahan ka sa katotohanan.

Masasaktan ka sa response pero may matututunan ka.

Ito yung lesson na natutunan ko nong naging matalino akong pumili ng mga taong sasabihan ko.
(This is my personal experience i pray it will help you)

๐Ÿ“Ang tunay na nagmamahal sayo ay hindi sasabay sa luha mo,
dahil Itutuwid ka nila pabalik kay Lord.

๐Ÿ“Huwag kang pumunta para pakinggan ang gusto mong marinig.
Because they will tell you what you need to hear.

Para hindi ka madisappoint piliin mo yung mga taong ginagamit ng Diyos.

๐Ÿ“Hindi mo makukuha sa kanila ang sagot na gusto, kundi ang sagot ng Lord, sa bigat na dinadala mo.

Psalm 141:5
โ€œLet the righteous strike me; it shall be a kindness. And let him rebuke me; it shall be as excellent oil.โ€

๐Ÿ“Hear not with your emotions, but with a heart hungry for truth.
Their words may hurt your pride, but they will heal your soul.

Hindi nila ibibigay sayo ang sagot na magpapagaan ng loob mo.
Kundi ang katotohanan na magpapalaya sayo.

What I learned from them is that I have grown to appreciate it even more
when I am REBUKED.

Because it comes from the Lord, from a heart that truly cares for my soul.

Uuwe kang nasagot ang tanong mo, nasolusyunan ang bigat na dinadala mo.
Uuwe kang may payapang puso.

๐Ÿ“They will not just give you answers, they will also include you in their prayers.

James 5:16
[16] Therefore, confess your sins to one another and pray for one another, that you may be healed. The prayer of a righteous person has great power as it is working.

Disappointment comes when we demand people to agree with our feelings instead of aligning with Godโ€™s truth.

When you seek comfort over truth, you will always be left empty.
But when you seek truth even when it hurts, you will always find true rest in God.

๐Ÿ“To me, it makes a big difference when you share with someone out there compared to sharing with a servant of God.

Above all else, submit to God.
He will not leave you empty-hearted, but will fill you with love and the assurance that all things will work out according to His will, for He is in full control.

Proverbs 3:5โ€“6
โ€œTrust in the Lord with all your heart and lean not on your own understanding; in all your ways submit to him, and he will make your paths straight.โ€

๐—›๐—จ๐—ช๐—”๐—š ๐— ๐—ข ๐—ฃ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—œ๐—ก ๐—ก๐—” ๐— ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—š๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐— ๐—” ๐— ๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—›๐—”๐—ฌ, ๐—ง๐—”๐—ฌ๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐——๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง ๐— ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—š๐—ข. Sometimes we ask God, "Lord, bagohin mo rin ...
02/08/2026

๐—›๐—จ๐—ช๐—”๐—š ๐— ๐—ข ๐—ฃ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—œ๐—ก ๐—ก๐—” ๐— ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—š๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐— ๐—” ๐— ๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—›๐—”๐—ฌ, ๐—ง๐—”๐—ฌ๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐——๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง ๐— ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—š๐—ข.

Sometimes we ask God,
"Lord, bagohin mo rin ang family ko kung paano mo ako binago"

"Lord, bakit ganon hindi nagbabago ugaling ng pamilya ko, kahit Kristyano na ako?"

"Lord, tagal ko ng pinag ppray si Papa at mama na magbago ugali nila pero hindi pa rin"

"Lord, tagal ko na pinag ppray kuya ko pero ganon pa rin siya"

"Ilang taon ko na sila pinag ppray Lord, bakit ganon hindi parin sila nag babago?"

Bakit ganon Lord, nag mumura pa rin sila.
Umiinom pa rin sila..
May mga bisyo pa rin sila..
Nagsusugal pa rin sila..
Nag sasamaan pa rin sila ng loob..

Diba Saved na ako, dapat sila rin.
Sabi kasi sa Acts 16:31
"Ako at ang aking sambahayan ay maliligtas"

Bakit ako nagbago sila hindi?

Akala natin porket Kristyano na tayo o tayo ang unang nagkaroon ng relasyon sa Diyos, ay instantly magbabago na rin ang pamilya natin.

But here's the reality:
The family is the first place where our faith is tested.

๐Ÿ“Our home is the first place of discipleship, where the gospel is preached first.

Ang ating tahanan ang unang training ground nating mga Kristyano para maibalita ang salita Ni Kristo.

It is easy to preach holiness outside your home, but the hardest place to live out the Gospel is inside your own four walls.

Kaya kailangan nating suriin ang ating puso totoong bang isinasabuhay natin ang pagiging Kristiyano, sa tahanan natin mismo o baka sa labas lang?

Baka kaya hindi pa sila nagbabago kasi hindi kapa talaga ganap na nagbabago o nagpapabago.

You are the first disciple in your home.
How will they desire the Christ you speak of if they cannot see Christ in you?

Tayo dapat ang unang mabago bago sila ang mabago natin.

But our calling should not just focus on our family, it must be focused on ourselves first.

Tayo ang hinuhubog upang maging Christ like sa family natin.

Ikaw ang unang magbago.

Dahil kapag totoo at malalim na ang pagbabago sayo hindi mo na kailangang pilitin silang sumunod.
Ang buhay mong nagbago ang siyang hihikayat sa kanila na lumapit din sa Kanya.

Itama natin ang practices natin kung totoong iniibig natin ang Diyos, mamuhay tayo ng may pag-ibig, kahit na ganon pa rin sila.

Dapat tayo maging salamin ni Kristo sa harap nila.
๐Ÿ“You cannot give what you do not have.

Nasusulat:
โ€œMaging halimbawa kayo sa mga mananampalataya, sa pananalita, sa pamumuhay, sa pag-ibig, sa pananampalataya, at sa kalinisan.โ€
- 1 Timoteo 4:12

๐Ÿ“Your home is the first place where your faith is proven, not just spoken.

โ€œBut be doers of the word, and not hearers only, deceiving yourselves.โ€
-James 1:22

You cannot force someone to encounter God through your demands they will encounter Him through your transformed life, your patience, your kindness, and your unwavering faith even when they do not yet understand.

Nasusulat:
โ€œKung sino ang nagsasabing: โ€˜Kilala ko siya,โ€™ ngunit hindi tumutupad sa kaniyang mga utos, ay sinungaling, at ang katotohanan ay wala sa kaniya.โ€
-1 Juan 2:4

Acts 16:31????
Ang pangakong ito ay nagsisimula sa IYO...

๐Ÿ“Do not try to be the Holy Spirit to them let the Holy Spirit work in you first.

๐— ๐—”๐—ฆ๐—”๐—ฌ๐—” ๐—•๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐— ๐—ฃ๐—ฌ๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—ข? Is Satan leading an endless party in hell right now?May kasiyahan paba sa IMPYERNO? Ano ang katot...
25/07/2026

๐— ๐—”๐—ฆ๐—”๐—ฌ๐—” ๐—•๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐— ๐—ฃ๐—ฌ๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—ข?

Is Satan leading an endless party in hell right now?

May kasiyahan paba sa IMPYERNO?

Ano ang katotohanan sa likod ng katatawanang ito?

KUNG SASABIHIN MONG
"FOR FUN LANG ITO"
"MGA COMEDIAN SILA, TRABAHO NILA ANG MAG PATAWA"

NO!!!

- Maraming maaaring gawing biro para makapag hatid ng kasiyahan sa kapwa pero pagdating sa usaping Impyerno hindi ito dapat balewalain.

๐Ÿ“Hell is not a joke, and we must not stay silent when it comes to this matter. We need to take it seriously, dahil kaluluwa ng mga tao ang nakasalalay dito!.

Sa labas, pwedeng magmukhang masaya, magaan, o walang halaga ang mga salitang binabanggit tungkol sa IMPYERNO.

Pero ang katotohanan WALA!
Wala nang tawanan.
Wala nang pag-asa.
Wala nang pagkakataon.
Tanging walang katapusang paghihirap, paghihiwalay sa presensya ng Diyos, at pagsisising hindi na maibabalik pa ang oras.

Ano ang sabi ng Bible?
Doon ay pag-iyak, pagngangalit ng ngipin, at walang katapusang paghihirap ang naghihintay sa sinumang hindi lumapit sa Diyos habang may pagkakataon pa.

Bawat sandaling pinaglalaruan natin ang katotohanang ito ay bawat sandali ring lumalayo ang iba sa kaligtasan.

Bakit hindi dapat gawin katatawanan ang Impyerno?

Dahil maraming tao ang maaaring mawalan ng takot dito at mapalitan ng pagiging kampante sa kapahamakan na nag aabang dito.
๐Ÿ“Baka sa kakatawa nila, + ay parang kwentong nakakatawa lang pero ito ay tunay na lugar ng walang hanggang pagkahiwalay sa Diyos.

๐Ÿ“Eternal Separation from God.

MAY PARTY-PARTY PABA SA IMPYERNO? BAKLA BA SI SATANAS?
MAY PAGEANT BA SA HELL?

ANO BA ANG MANGYAYARI SA IMPYERNO AT NG MGA MAPUPUNTA SA IMPYERNO?

Kapatid ito po ang Nasusulat...
Lucas 16:24 โ€“ Ang taong nasa impyerno ay humihiling kahit patak lang ng tubig para mapawi ang hapdi ng kanyang dila.

Walang ginhawa.
Walang lunas.
Walang pagbabago.
Walang party.
Walang Pageants.

Mateo 25:30
โ€œDoon na lamang ang pag-iyak at pagngangalit ng ngipin.โ€

๐Ÿ“IS SATAN LEADING A PARTY IN HELL?

Kapatid ito ang nasusulat!
Revelation 20:10, 14-15
โ€œAt ang diyablong nagdaya sa kanila ay inihagis sa lawa ng apoy at asupreโ€ฆ Ang kamatayan at ang libingan ay inihagis din sa lawa ng apoy ito ang ikalawang kamatayan. At ang sinumang hindi nakasulat sa aklat ng buhay ay inihagis sa lawa ng apoy.โ€

Kahit si satanas hindi ligtas kahit siya ay magngangalit din ang ngipin kasama ng mga taong napunta sa impyerno.

Roma 6:23
โ€œDahil ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang kaloob na walang bayad ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.โ€

Sa ngayon, madali lang tumawa.
Madali lang gawing biro ang impyerno dahil hindi pa natin ito nararanasan. Pero ang totoo
๐Ÿ“Hell was never meant to be a place of laughter or fun.
It was prepared for the devil and his angels, not for us.

We have to take this seriously, dahil hindi lang basta kwento ang nakasalalayโ€ฆ kundi ang buhay ng bawat kaluluwa.

MAY GOOD NEWS! KAPATID!
๐Ÿ“Hell was never made for you it was made for the devil.
Heaven was made for YOU....

โ€œSapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.โ€ - Juan 3:16

๐Ÿ“Heaven is the REAL celebration.
Ito ang handaan na inihanda ni Jesus para sa atin walang katapusang ligaya, walang luha, walang sakit, at walang paghihiwalay sa Kanya.
Ang kasiyahan dito ay totoo, ang kapayapaan dito ay totoo at ang
salo-salo natin sa Kanya ay walang katapusan.

Nasusulat Kapatid...
- โ€œAnd God will wipe away every tear from their eyes; there shall be no more death, nor sorrow, nor crying. There shall be no more pain, for the former things have passed away.โ€ - Revelation 21

โ€œBlessed are those who are invited to the marriage supper of the Lamb.โ€
-Revelation 19:9

๐Ÿ“The real feast, the real joy, the real home is waiting for you with Jesus.

Tanggapin Siya ngayon, at mararanasan mo ang kasiyahan na ito.

Heaven is not just a place we go it is the eternal party Jesus prepared, and He Himself is the Host.๐Ÿฅน๐Ÿ™Œ๐Ÿป

๐Ÿ“SATAN CANNOT LEAD A PARTY. ONLY JESUS LEADS THE ENDLESS CELEBRATION.

Jesus is the Host and Center.
He leads the celebration, He welcomes us, and He shares with us the glory He prepared before the world began.

โ€œIkaw ang magpapakita sa akin ng landas ng buhay, sa harapan mo ay may ganap na kagalakan, sa kanan mo ay may kaligayahan magpakailanman.โ€ -Awit 16:11

๐Ÿ“What does the party in Heaven look like?
It is pure peace and endless worship, where every heart is full, every voice is singing, and no one ever gets tired or sad.

โ€œAt ang buong nilikha sa langit, sa lupa, sa ilalim ng lupa, at sa dagat, at ang lahat ng naririto, ay narinig kong nagsasabi: โ€˜Sa kanya na nakaupo sa luklukan, at sa Kordero, ang pagpapala, kapurihan, karangalan, at kapangyarihan magpakailanman!โ€™โ€ โ€” Pahayag 5:13

โ€œAt araw-araw ay sasabihi nila, Purihin ang Diyos! At ang buong lupa ay mapupuno ng Kanyang kaluwalhatian.โ€ โ€” Awit 72:15, 19

๐Ÿ“Kung gusto ng party-party hindi mo sa impyerno ito mararanasan kundi sa langit lamang.
Satan can only imitate celebration, Jesus is the source of it.

๐Ÿ“It exists only in Heaven.

๐—จ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ ๐—ž๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—จ๐—š๐—”๐—ฅ ๐—ž๐—จ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—”๐—ก ๐—ก๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ž๐—”! SA ISIP, SALITA AT SA GAWA. "Wag! Matigas ang ulo umalis kana diyan! "๐Ÿ“Some...
23/07/2026

๐—จ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ ๐—ž๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—จ๐—š๐—”๐—ฅ ๐—ž๐—จ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—”๐—ก ๐—ก๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ž๐—”!
SA ISIP, SALITA AT SA GAWA.

"Wag! Matigas ang ulo umalis kana diyan! "

๐Ÿ“Sometimes, the bravest act of faith is not staying and fighting it out, but walking away to guard your heart.

Hindi nais ng Diyos, na mamuhay tayo sa sumpa, mag-isip ng sumpa, at bumato ng sumpa sa ating kapwa.

Nasusulat:
Death ang life are in the power of tongues. - Proverbs 18:21

As Christians, God wants us to be a blessing to others not just in material ways, but also through our words.

Alam nating lahat ang pakiramdam ng may taong kinaiinisan, may sugat na hindi maghilom, may galit na akala natin nakalimutan na.

Dumarating sa punto na ayaw na natin makatagpo ang taong ito dahil sa galit na nararamdaman natin dito.

At kung sa di inaasahang pagkakataon makatagpo natin ito, naaalala natin ang nakaraan at nag uumpisang magalit nanaman.

Kapag napangunahan na ng galit di natin maiwasan na makapag salita tayo ng hindi magandang salita sa taong ito, pero higit sa lahat ang makapag isip ng hindi maganda sa taong kinagagalitan natin.

Story time...
Lately nangyari sa akin ito, merong isang tao na kinaiinisan ako for some misunderstandings reason.

Tumagal at dinala niya ang galit na ito sa akin ng hindi ko alam, nalaman ko nalang ng sinisiraan niya ako sa iba at nakarating lahat ito sa akin.

Alam ko at alam ng Lord, na walang katotohanan lahat sadyang dala lamang ng galit niya kaya niya nagawa sa akin.

Hindi naging maganda ang resulta sa akin ng mga nalaman ko ang mga ginawa niya.

Nag resulta yon ng galit sa puso ko na umabot sa punto na makapag salita ako ng hindi maganda laban sa kanya at makapag isip, makapag bitaw ng sumpa na hindi nararapat para sa isang Kristyano.

Dahil sa nangyaring iyon God, gave me a wisdom kung ano gagawin ko Nais Niya ana humiwalay ako.
So decided to live separately so I can move on and heal the wounds caused by the past anger.

Umalis ako hindi para tumakas sa tao, kundi para tumakas sa kasalanan ng paghihiganti.

Dahil sa pangungulila sa mga taong iniwan ko araw araw pa rin ako pumupunta upang mangumusta sa kanila, but every time our paths cross, the past, the pain, and the anger he caused me start to come back.

Everytime na nasa lugar na yon ako, nakakalimitan kong Kristyano ako dahil nangingibabaw ang sarili ko hindi Si Kristo.

Hindi ako nag sasalita pero bumibitaw ako ng sumpa sa aking isipan laban sa kanya.

Akala ko okay na kapag hindi nagsasalita pero higit na mas masama pala kapag galing sa isipan.

God hears every silent thoughts, every unspoken anger, every hidden desire for them to fall.
And it breaks His heart because He knows you were created to speak life, not death.

๐Ÿ“Silence is not innocence if your mind is full of curses.

To make a long story short.... Kapag nasa lugar nayon ako, ang puso at isip ko ay punong puno ng galit at sumpa.

Nandon yung....
Mamatay kana sana....
Mawala kana sana...
Madisgrasya ka sanaa...
Magkasakit ka sanaaa...

Iba-iba at maraming sumpa ang nabibitawan ko kapag nandon ako at ang isipan ko ay punong puno ng galit ang puso ko ay punong puno ng desire na makapag higanti sa mga ginawa niya.

Walang katapusan bato ng kaaway kapag nagumpisa na akong pumasok sa lugar na yon.

Stress, anxiety at lalo pang nagagalit ang dulot sa akin kapag tumapak na ako doon.

Bawat tapak ko sa lugar na iyon, napupuno ng sumpa ang puso ko. Stress, takot, at lalong paglala ng galit ang dulot nito.

๐Ÿ“The place that makes you forget who you are, the place that turns your prayers into curses.

Araw-araw akong umiiyak sa harap ng Diyos, binabawi ang bawat masamang isip at salita.

Tinanong ko Siya, "Lord, gusto ko nang magpatawad, pero bakit parang lalo lang lumalaki ang galit?
Pagod na po ako."

Akala ko dati forgiveness means forcing ourselves to stay in the same space, facing the same trigger, over and over again, until we stop feeling the pain.

Hanggang mamanhid nalang ang puso ko.

But He made me realized...

Hindi lahat ng pananatili ay pagpapakumbaba.
Minsan, ang pananatili sa lugar na nagpapabigat sa puso mo ay pagpapabaya sa kung sino ka talaga sa mata ng Diyos.

Hindi ka makakapagpatawad nang buo kung palagi kang nasa lugar na muling nagbubukas ng sugat, kung hindi mo pa lubusang napagkakatiwala sa Diyos, makakalimutan mo kung sino ka para sa Diyos.

๐Ÿ“He cannot heal you fully while you keep touching the thing that hurts you.

Ang tunay na pagpapatawad ay nagsisimula sa pagprotekta ng iyong puso upang ang tanging salitang mabitawan mo ay pagpapala, at hindi sumpa.

"Do not be overcome by evil, but overcome evil with good." โ€“ Romans 12:21

Tulad ni Joseph, bumalik ka kapag okay kana.
Kapag okay na ang puso mo
Kapag okay na ang isip mo
Kapag sinabi na ng Lord, na OKAY NA!

๐Ÿ“One day, you will be able to stand in that same place and feel nothing but love.

Hintayin mo kung sasabihin Niyang Bumalik ka o manatili ka sa lugar kung saan ka Niya, inaayos.

"Above all else, guard your heart, for everything you do flows from it." โ€“ Proverbs 4:23

Guard your heart means,
Sometimes that means building walls, Sometimes that means walking away. He does not call you to fight a battle you are not yet ready to win.

Kapag umalis ka, sasamahan ka Niya, sinasamahan Niya ako ngayon.

THANK YOU LORD! ๐Ÿ™Œ๐Ÿป

Address

Narra
Puerto Princesa
5303

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Deecaffeinated posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category