04/05/2026
‼️Announcement‼️🚨
may mga gabi na gusto na naming sumuko.
Pagod, kulang sa resources, daming rejections, daming tanong kung kaya ba talaga.
Pero may isang bagay na hindi nawala—pananampalataya (🎶Nariyan parin 🎶 )
Today, hindi man kami perpekto… pero may maipagmamalaki kami.
Puklo is now FDA LTO Approved. 🙏
Hindi lang ‘to papel.
Ito ay simbolo ng bawat puyat, bawat pagkakamali na tinama, bawat araw na pinili naming bumangon kahit mahirap.
Hindi kami pinakamalaki.
Hindi kami pinamabilis.
Pero lumalaban kami ng tama—para sa kalidad, para sa tiwala, para sa bawat Pilipino na gusto naming pagsilbihan. 🇵🇭
Tahimik lang ang galaw, pero may direksyon.
Mahirap lang, pero may pangarap.
Sa lahat ng naniwala—kahit konti pa lang kami noon…
kasama namin kayo sa tagumpay na ‘to.
At sa mga nangangarap pa lang—
kung kaya namin, kaya niyo rin.
This is not the finish line.
Simula pa lang ‘to. ❤️”