07/06/2020
Hello Choco-Late de Batirol Bataan (CLB) customers!
Una, gusto naming magpasalamat sa pag suporta at pagtangkilik niyo sa amin for 5 years. Sana napaligaya namin kayo sa anumang paraan kasi talagang naging masaya kami sa pagserbisyo sa inyo.
Pangalawa, ikinalulungkot po naming ipabatid na tapos na po ang aming 5 taong kontrata. Gustuhin man naming ipagpatuloy ang CLB, dahil sa pandemic, hindi namin magawa dahil substantially affected kami katulad ng nakararami.
Panghuli, nais naming ipaalam na hindi naman doon nagtatapos ang storya. Marami pa tayong pagsasamahan. Nasa dugo ko na ata ang pagserbisyo through the food I cook. Doon talaga ako masaya. Kaya naman nagsisimula ako kahit sa maliit. Nagbunga ang kagustuhan kong serbisyuhan kayong muli. Ito ay ang Rizalina's. Kung may time kayo, dalawin niyo ang page at sana ay mainit niyo ring tangkilikin.
Muli, maraming salamat. ❤
-- Tita Lina Balsamo
https://www.facebook.com/rizalinascafe/
Food and drink