29/08/2026
Minsan akala natin kaya hindi pa tayo umaangat kasi wala pang right opportunity, kulang sa money, kulang sa support, or hindi pa talaga para sa atin.
Pero minsan, tayo rin pala yung kailangan munang mag-change.
8 UGALI NA KAILANGAN MONG BITAWAN KUNG GUSTO MONG MAG-LEVEL UP ANG BUHAY MO
1. Yung takot lagi magsimula.
Alam mo yung gusto mo naman, pero inuunahan ka agad ng “paano kung hindi?” Kaya ang ending, hindi ka na kumilos.
2. Yung sobra mong pag-iisip sa lahat.
Minsan hindi ka naman talaga stuck. Pagod ka lang kakaisip ng mga bagay na hindi pa naman nangyayari.
3. Yung pagko-compare mo sa buhay ng iba.
Nakikita mo yung progress nila, pero hindi mo nakikita kung ilang taon din silang naghintay, nasaktan, at nagsimula ulit.
4. Yung puro “bukas na lang.”
Bukas ako magsisimula. Next month. Pag may pera na. Pag ready na.
Pero minsan, ilang taon na pala tayong nagsasabi ng “bukas.”
5. Yung kapit mo sa mga bagay na alam mong kailangan mo nang bitawan.
May mga tao, habits, at situations na alam mo naman deep inside na hindi na healthy para sa’yo, pero takot ka pa ring mawalan.
6. Yung sobrang concern mo sa sasabihin ng ibang tao.
Hindi naman sila ang mabubuhay sa consequences ng decisions mo. Ikaw pa rin.
7. Yung habit na minamaliit mo yung sarili mo.
Yung lagi mong sinasabi na “hindi ko kaya,” “hindi ako magaling,” “baka hindi para sa akin.”
Paano kung kaya mo naman pala, pero ikaw lang yung unang hindi naniwala sa sarili mo?
8. Yung gusto mong magbago ang buhay mo pero ayaw mong magbago ng routine mo.
Gusto mo ng better income, better opportunities, better life… pero araw-araw pareho pa rin ang ginagawa mo. Same habits, same mindset, same comfort zone.
Hindi pwedeng bagong resulta kung paulit-ulit mo pa rin ginagawa yung mga bagay na nagdala sa’yo sa dati mong situation.
Habang tumatanda ako, mas naiintindihan ko na hindi lahat ng prayer sinasagot ni Lord by giving us more.
Minsan, may inaalis muna Siya.
May pinapabitawan.
May tinuturong lesson.
May binabago muna sa puso natin.
Kasi baka yung next level na hinihingi natin, kailangan din ng ibang version natin.
And sometimes, the hardest part is not asking God for more.
It’s being willing to let go of the things that can’t come with us anymore. 🤍