18/03/2020
Sa kasalukuyan ay inihahanda na namin ang Purchase Request para sa 400,000 food packs.
Hindi magiging madali ang logistics nito. Wala na po tayong panahon para mag-organisa katulad nung pamaskong handog. Hihingi ang lungsod ng tulong sa mga pamahalaan pambarangay para sa distribusyon.
Tulong po ito ng lokal na pamahalaan sa mga nangangailangan, lalo na't maraming di nakakapagtrabaho ngayong . Magtulungan po tayo at sumunod sa quarantine para mas mabilis din nating malagpasan ito.
(Per pack: 397 pesos maximum
Total: 158M pesos max.
Mode: emergency procurement
Expected delivery: end of this week)