23/03/2024
Mazy’s Noodle Cup turns 1 🎉🥳
Happy 1st year anniversary to my 1st business! Tama ang sinasabi ni Chinkee Tan hindi mo mararating ito, kung hindi mo sisimulan. Wag kang matakot sumubok basta mag tiwala ka lang sa Panginoon at sa sarili mo na makakaya mo.
Maraming maraming salamat una sa lahat kay Lord na ginabayan at ginagabayan pa rin kami hanggang ngayon sa aming tinatahak na munting negosyo. Sa mga kaibigan ko, especially sa dalawang ito Glad Rhea na full support sa lahat ng plano ko. Sa partner ko Brics Gerald na walang sawang nakasuporta sa likod ko sa lahat ng desisyong ginawa ko, I love na! Naks HAHA. Kay Sir Nicko Calvelo na isa sa pinakamalaking ambag sa aking business haha thank you sa mga designs at layout na ginawa mo kahit maraming revised at napakakulit ko kausap HAHAHA di mo ko sinukuan, Halika’t free na ang meryenda mo ngayong araw. Sa mga ex-officemates/Officemates ko na hindi nagsasawang kumain ng Fried noodles namin THANK YOU GUYS! Sana maging healthy ang kidney nyo. HAHAHAHA 😂
At sa mga nag-aabang ng aming Chili garlic in a Jar dahil marami na kayong nagrerequest eto na nanginginig pa HAHAHA ilalabas na namin yan next week‼️
Hoping tayo this year na maitayo na natin ang MAZY’S NOODLE CUP SA FOOD COURT SA MALL. 🙏 MARAMI PA AKONG PLANO KAYA SANA WAG KAYONG MAGSAWANG SUPORTAHAN AKO, YUN LANG! HAHAHAHA I LOVE YOU ALL 😘🥰